Chapter 7

558 28 0
                                    


ZAIN'S POV

Malulutong na mura ang lumabas sa bibig ko. Nandito ako sa parking lot at inis na tumingin sa kotse ko. Kanina pa man ay hindi mawala ang galit ko. Kahit may guro sa harap ay hindi ko maiwasang mag-isip. Binabalikan iyong nangyari kanina.

Paano niya nagagawa ang lahat ng to? Tch. Ako pa talaga ang kinalaban niya.

Akala ko ay hindi na uubra ang angas niya. Mukhang natural na siguro iyon sa kanya dahil sa bawat saglit na makita ko siya ay walang nagbabago sa mukha niya. Pinagtitinginan tuloy ng mga estudyante dito itong kotse ko. Nang sumulyap ako sa gawi kung saan naroon iyong motor niya ay imbes na matuwa sa ginawa ay lalo lang akong nainis. Paano kasi, nakaganti pa sa akin!

Nasapak pa nga! Tsh!

"Mauuna na ako." tipid kong sabi sa mga gangmates ko.

"Sige dre." lang ang nakuha kong sagot. Hindi ko na sila nilingon at mabilis na sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko iyon upang makaalis na doon.

Hindi parin ako matigil sa kakaisip sa ideyang bakit ganon nalang siya kung umasta. Hindi ata natatakot. Talagang gumaganti pa!

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko kung paano magulat si dad ng makita niyang iparada ko ang kotse sa harap ng bahay.

Sampok ang kilay ko ng lumabas sa kotse at sinalubong ng pilit na ngiti si dad.

"What happened to your car?" nagtatakang tanong niya, sinundan ako ng tingin hanggang sa makapasok ako sa bahay.

"I don't know." lang ang sagot ko saka mabilis na umakyat ng kwarto. Tinapon ko ang bag sa kung saan at inis na umupo sa gilid ng kama.

Muling pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Wala pang nakakagawa ng ganon sa akin! Walang babae ang ni minsan ay nakasapak sa akin! Tch!

Tingnan ko nga lang ang iba ay tumitiklop na. Ngunit siya at talagang nilalabanan ang masama kong tingin! Tumayo ako at tinignan ang mapulang bahagi ng mukha ko. Hindi naman masyadong malakas ang pagsapak niya sa akin. Kahit ganon ay may kung ano sa aking hindi matanggap na nasapak niya ako.

"Fuck this!" pabulong kong sabi saka muling umupo.

Walang minutong hindi ko ulit nalala yung ginawa niya. Mula sa pagkain ko ay sumasagi sa isip ko ang babaeng yun. Napakalakas ng loob niya! Hindi man lang ata natakot sa akin! Bwisit!
Hanggang sa maligo ako ay iniisip ko parin siya! Siya at yung mukha niya! Kainis! Kung hindi pa ata ako natulog ay panay ang lakbay ng isip ko.

Kinabukasan ay ganoong oras parin ang gising ko. Mabilis ang kilos ko ng gawin ang araw-araw na ginagawa kapag may pasok. Bumaba na ako upang kumain ni isa ay wala akong kinibo sa kanila. Hindi ko alam, masama ang gising ko.

Basta lang akong pumulot ng sandwich at nilagay iyon sa supot saka ko sinilid sa bag. Mabilis akong nag sipilyo saka lumabas ng bahay. Inis kong tinanggal iyong cover ng Mercedes Benz. Kay dad ito, minsan lang niya kung gamitin.

Sumakay ako doon at nagmaneho papunta ng paaralan. Nang makarating ako ay kaagad kong pinark ang sasakyan. Lumabas na ako ng may marinig na ugong ng makina. Malakas yon at talagang nagpapapansin. Inis kong tinignan ang entrance ng parking lot at doon ko nakita ang isang Ducati, kulay pula ito. Sinundan ko ng tingin hanggang sa lumampas sa akin. Nangunot rin ang noo ko ng may pumaradang Mercedes Benz rin sa katapat na pwesto ko. Inis ko itong tinapunan ng tingin matapos nitong paugungin ang makina. May ibang tao tuloy na panay ang sulyap sa kotse niya.

"Tch."

May kung ano sa aking gustong hintayin na lumabas kung sino man ang nagmamaneho non. Gusto kong makita kung sino ito at napakayabang.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon