SPECIAL CHAPTER

194 4 0
                                    

FROM THE AUTHOR:

Kindly read,

This chapter is a special part of CHAPTERS 79-80 including the epilogue.

*****

THE REVELATION


KAZE'S POV

Philippines

Wala sa sarili akong naupo sa sahig nang makarating kami sa bahay ni Master. Parehong lutang ang mga isip namin.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko. Hindi ako matigil sa pag-iyak lalo pa at napakatinding sikreto ang nalaman ko.

"Come here..." maagap at mahinang sambit ni Master. Naluluha akong dinamayan, katulad ko ay naupo rin sa sahig. Sa ganoong paraan namin pinagsaluhan ang pait.

Hindi ko lubos na matanggap, nasasaktan ako ng sobra. Hindi ko na naman alam kung kailan tatahan sa pag-iyak.

"Hindi ako makapaniwala..." nilalamon ng iyak na sambit ko. "Akala ko ay mapagkakatiwalaan siya. Kaya pala ganoon nalang kahirap na tugisin ang pumatay sa mga magulang natin. Kaya pala sa tuwing sinasabi ko sa kaniya noon na hahanapin ko ang mga animal na iyon ay palagi siyang tumatawa. Iyon ang pinagtataka ko noon pa man. Na sinasabi niyang, magsanay ako ng maigi nang sa ganon ay matalo ko siya paglaki ko. Akala ko ay iba ang tinutukoy niya, totoo palang kakalabanin ko nga siya." mahabang sabi ko. Ngayon ko lang napagtanto ang tunay na mga kahulugan ng sinabi niya. Para iyong kutsilyong nakatarak sa puso ko. Sa bawat pagiisip ko ay bumabaon iyon, pinalala ang naunang sugat na naidulot nito.

Gustong-gusto kong sigawan si Attrius. Gustong-gusto ko siyang patayin, lahat ng sama ng loob at galit ko ay nanaisin kong ibuntong lahat sa kanya. Sa pagaakalang sa ganoong paraan ko makukuha ang hustisya. Hindi ko alam kung ano pa ba ang gusto ko, mahirap ng intindihin ang pagkakaiba ng hustisya sa paghihiganti. Ganoon kahirap lalo pa at nilalamon ako ng galit.

"Mahirap paniwalaan. Lalo pa at pinagkitiwalaan ko siya ng lubos. Ganoon pala kasakit ang pagtaksilan ng taong pinagkatiwalaan mo." nagsimula nang sumakit ang ulo ko sa todong pag-iyak. Parang mahihilo ako.

"I'm sorry for not protecting you. Patawad at hindi ko nalaman. Hindi ko natupad ang hiling ko noon sa mga magulang natin na huwag kang paiyakin. Nasasaktan akong makita kang ganito." malungkot na aniya at niyakap ako.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa ramdam kong sumasakit na ang lalamunan ko. Para bang may kung anong nakabara doon at mas pinalalala ang kalagayan ko.

Mas lalo akong umiyak, nauwi iyon sa hikbi na hindi ko alam kung paano kong pipigilan. Mahigpit ang yakap ko kay Master at doon naiyak sa mga bisig niya. Hindi ako natigil, hindi ko alam kung kailan ako patatahanin.

Ang nasa isip at puso ko lang ngayon ay sakit. Na akala ko ay mawawala iyon oras na malaman ko ang katotohanan. Ngunit nagkamali ako, mas higit pa akong nasasaktan lalo pa at ganoon katindi ang aking nalaman.

Nagising ako kinabuksan na para bang wala ako dito sa mundo. Nililipad ang isip ko patungo sa lugar kung saan hindi ko alam. Narito na naman ako at bumabalik sa nakaraan.

"Kaze," ang malambing na boses ni Master ang pumukaw sa atensiyon ko. Ngayon ko lang napansing narito na pala ako sa sariling kwarto.

"Diyan ka ba natulog?" tanong ko kay Master. Kagagaling lang sa pagkakaupo sa sahig, pinagpag ang slacks niyang itim habang blangko ang mukhang nakatingin sa akin.

"No, I woke up early." sambit niya.

Nasulyapan ko ang sarili sa salamin sa gilid ng silid. Halatang namamaga ang mga mata ko, pagod na pagod ang katawan ko.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon