Chapter 68

90 10 0
                                    

Mabilis kong kinuha ang bag sa bench at walang pasabi akong lumabas ng field. Hahanapin ko si Shitzu at baka kaaalis niya lang. Nang nasa entrance na ako ng field ay hindi ko rin makita ang labas. Wala na kasing ilaw sa paligid, bukod doon sa may gate na malayo rin dito sa gawi ko.

Dinial ko ang number ni Shitzu. Sa isip ko ay nagtatanong ako kung saan siya nagpahangin. Tsk! Lumakad ako ng ilang dipa at tinanaw ang paligid. Ganoon nalang ang pagtataka ko nang may marinig akong tunog ng telepono sa kung saan. Sa pandinig ko ay malapit lang naman ang kinaroroonan niyon. Hindi ko alam kung saan. Nang ilibot ko ang paningin ay nagtaka ako nang matanaw sa unahan ang punong may kung anong umiilaw sa taas. Kunot-noo kong nilakad ang puno. Nang tingalain ko ay ay ganoon nalang ang gulat ko nang makitang nakaupo sa sanga ng puno si Shitzu. Tumatama iyong ilaw ng teleponong hawak niya sa mukha niya mismo kaya nalaman kong siya 'yon. Mataas ang puno ngunit hindi gaano iyong sanga kung saan siya prenteng nakaupo. Ngunit kung ikukumpara sa height ko ay mas mataas parin iyong sanga.

Mag papahangin daw siya, talagang sa itaas ng puno pa. Tsk! Weird talaga.

Sinong tao ang aakyat sa puno ng nakapalda! Umiling ako nang igalaw-galaw niya pa ang parehong paa. Hindi man lang siya humawak sa kung saan sa halip ay parehong kamay niya ay naroon sa telepono. Umiilaw at tumutunog parin iyon hanggang ngayon. At hanggang ngayon ay hindi niya parin sinasagot ang tawag. Tsk!

"Shitzu!" sigaw ko mula sa baba.

"Fou, merde!" gulat na sigaw niya dahilan upang mabitawan niya ang telepono. Nahulog iyon mismo sa harap ko. Gulat siyang tumingin sa baba at umismid. "Ginulat mo ako." kaswal na aniya. Nakamot ko ang ulo.

"Bumaba ka nga diyan, Shitzu!" inis kong sigaw sa kanya.

"Oo, teka." tumango siya. Saglit niya pang tinignan ang lupa saka siya nagsalita. "umalis ka diyan!"

"Bumaba ka na!" sigaw ko pabalik. "Shitzu!"

"Oo nga, umalis ka diyan!"

Dahil hindi ko na siya masyadong makita ay tinutok ko ang ilaw ng telepono sa kanya.

"Umalis ka diyan, Bulldog! Bababa ako!"

"Baka mahulog ka!" nag-aalalang sabi ko.

"Umalis ka na nga diyan!" naiinis nang sigaw niya. "Diyan ako mahuhulog! Umalis ka diyan!"

"Sasaluhin nalang kita!?" patanong kong sabi.

"Tatalon ako!"

"Baka mahulog ka!" sigaw ko pabalik. Nangangawit na ang leeg ko sa kakatingala sa kanya. "Uy! Shit--" naputol ang sasabihin ko nang bigla nalang siyang tumalon. Sa bilis nang pangyayari ay hindi ko na nagawang umalis sa kinatatayuan ko dahilan nang pagbagsak niya sa akin mismo. Sabay kaming natumba at nahiga sa damuhan. Talagang ang pangit ng pwesto namin. Nakahiga ako sa damo habang siya ay talagang nadaganan ako. Masakit ang pagkakatumba namin!

Nagugulat naming tinignan ang isat-isa. Napakalapit ng mukha maging ang katawan namin.

"Sabi ko kasing umalis ka!" singhal niya habang humahanap ng lakas upang makatayo. Napangiwi pa siya dahil siguro sa sakit. Ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang matanaw ko sa entrance ng field na may palabas na tao.

"Fuck!" nasabi ko nang may sumigaw ng pangalan ko. Malapit lang ang kinaroroonan namin. May hawak pang ilaw ang iba sa nakikita ko doon.
Napabalikawas narin ako ngunit ganoon nalang ang pagpikit ko nang may tumama na ilaw ng telepono sa amin. Maging si Shitzu ay nalukot ang mukha.

"Zain, dude? Anong ginagawa niyo diyan?" boses ni Luke.

"H-ha?" lumunok ako. Nakaupo pa kasi ako at nakatukod ang siko sa damo. Habang si Shitzu ay nakaluhod palang malapit sa binti ko. Mabilis siyang tumayo kahit nakangiwi dahil sa sakit. "Hinahanap namin iyong... telepono niya." nasabi ko bago tumayo. Pinagpag ko pa ang damit.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon