Chapter 48

152 11 0
                                    


ZAIN'S POV

Natapos ang klase namin sa huling subject sa umaga kaya pumunta ako sa cafeteria, kasama ko sina Luke, Axel, Kiel at Nathan. Naghihintay narin doon sa amin sina Psalm. Nakasanayan na kasi naming magsabay -sabay kung kumain dito sa school.

Pagpasok namin ng cafeteria ay imbes na ang mga kaibigan ko ang tingnan ng aking mga mata ay basta nalang itong tumingin sa ibang direksyon. Doon sa pwesto nila Shitzu. Naroon iyong mga kaibigan niya ngunit hindi ko siya makita.

"Nandon sila Psalm, dude. Wala diyan." Luke said, he's mocking at me. Napansin niya atang sa ibang direksyon ako nakatingin.

Hindi na ako sumagot at nagtuloy sa paglalakad. Dinaanan lang muna namin sina Psalm dahil oorder pa kami, tapos naman na silang mag-order at kami nalang ang hinihintay. Isang set ng food lang ang inorder ko pagkatapos ay bumalik na kami sa pwesto.

Isa-isa naming inilapag iyong tray ng pagkain. Naabutan namin silang nag-uusap.

"Taena dude, kilala niyo si ma'am Begamo?" rinig kong nagsalita si Rex.

"Oh? Bakit?" sabay-sabay nilang sabi. Natahamik saglit si Rex saka humagalpak ng tawa. Inangat ko ang tingin sa kanya.

"Si Miguel kasi..." hindi niya maituloy ang sasabihin dahil sa bawat buka pa ng bibig niya ay puro tawa ang lumalabas doon. "Si Miguel, nahu--HAHAHAHAH-- nahuli ni--HAHAHAH!"

Tinapunan ko siya ng tissue dahil sa inis ko sa kanya. Malakas talaga ang tawa niya, hindi naman siya ganyan ah? Hindi siya ganyan kalakas tumawa.

"What the hell Rex? Ang ingay mo!" singhal ko sa kanya saka ako sumubo ng pagkain. Natawa siya ulit at makailang beses siyang huminga ng malalim. Pinapakalma ang sarili.

"Eto na....Si Miguel kanina. Nahuli ni--HAHAHAH-- ma'am Begamo...na-HAHAHAH..nag do-drawing ng b-HAHAHA---HOooooooBssss.."

Wala akong maintindihan sa mga sinabi niya sa totoo lang. Para siyang timang.

"Tangina mo Suarez." usal ko at inirapan siya. Maging ang mga ibang kaibigan ko ay hindi na tumingin sa kanya. Sabay kaming kumuha ng pagkain at isinubo yon. Hindi na kami tumingin kay Rex.

"Eto na dude..." pagpilit niyang ibigay namin ang atensyon sa kanya.

"Ewan ko sayo, Suarez. Busalan ko yang bibig mo ng hakdog." pagbabanta ni Luke. Hindi na umangal si Rex at kumain nalang ito. Panay ang ngisi ni Luke dahil mukhang napahiya si Rex sa ginawa namin.

Wala sa sarili akong napasulyap sa pwestong laging kinakainan ni Shitzu, hindi ko alam at basta nalang akong lumingon doon. Ngunit kagaya kanina ay hindi ko parin siya nakita. Ibinalik ko ang tingin sa pagkain at nagtuloy sa ginagawa. Akala ko ay matatahimik na kami ng magsalita si Luke.

"Mga dre, alam niyo bang may na jelly kanina." makahulugan niyang sabi, nanunudyo siyang sumulyap sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagbabanta sa kanyang sasabihin.

"Sino?" na cu-curious na tanong nila.

"Sabihin ko ba?" siniko niya ako. Tumalim ang tingin ko sa kanya, at ang gago, tumawa lang.

"Sino na?" asik nila.

"Mga pare, alam niyo bang nag selos itong si Zain kanina." walang prenong aniya saka tinuro ako. Hindi ko siya pinansin maging ang mga kaibigan kong ngumingiti sa akin.

"Whatever, Luke." sabi ko at muling sumubo.

"Talaga? Kanino nagselos?" hindi narin mapigilang magtanong ni Psalm. Lahat sila ay may mga na cu-curoius na tingin sa akin. Mga chismoso.

"Kanino pa ba? Edi kay---Kaze." pabulong na sabi niya kasabay ng pagngiti niya.

"Huwag kang gumawa ng istorya, Luke." pagbabanta ko. Sa halip na tumigil ay nagsalita pa ito.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon