Chapter 28

165 7 0
                                    

Kinaumagahan ay nang magising ako ay hindi ko na nadatnan si Kate. Umiling lang ako nang maisip kong anong oras siya umalis. Napakaaga pa kasi ngayon. Mabilis kong ginawa ang mga ginagawa ko sa araw-araw na pagpasok sa eskwela. Kaya ilang minuto lang ang ginugol ko at tapos na rin ako.

Nang marating ko ang paaralan ay mabilis ko ring pinarada ang motor at naglakad papasok. As usual, may mga estudyanteng naroon nanaman sa quadrangle. Karamihan sa mga iyon ay mga varsity ng soccer at ang iba naman ay iyong mga estudyanteng doon lang naiisipang magpahinga o mag sightseeing.

Ang quadrangle ang pinaka gitnang bahagi ng paaralang ito. At ang mga buildings naman ay nakapalibot doon. Ang gymnasium ay naroon sa pinaka likod na bahagi. Dumaan ako sa bandang kanan kung saan sa tingin ko'y mas mapapadali ang pagpunta ko ng silid.

Sa kaliwang hagdan ako dadaan paakyat. Natanaw ko kasing may mga student council na naroon sa may kabilang hagdan. Naisip kong baka sitahin ako gayong hindi ako nakasuot ng uniform. Mahirap ng mareport ako. Hindi naman ako natatakot na ma report ang kinakatakot ko lang ay baka pasuotin ako ng uniform. Ayoko pa man din.

Nakayuko akong humakbang sa hagdan paakyat sa second floor. Hindi ko pa man nagagawang tatlo ang hakbang ko ay may tarantado ng humarang sa akin. Tss. Nandito na naman ang animal. Saglit ko silang sinulyapan at nakitang anim silang lahat. May iba pang nakangisi sa akin. Nasa may railings sila ng hagdan, doon sila naka nakasandal. Bakit ba sila nandito?

Kaagad nagtama ang aming mga paningin. Maglilimang hakbang palang ako paakyat ay sumigaw na ang isa sa kanila.

"Heeep!" Nakaambang pigil niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy sa paghakbang. Hindi ko na pinansin ang bawat pagsigaw nila nang mabilis na pumwesto ang malaking impakto sa harap ko. Si Bulldog. Bakit ba siya nandito? Noong nakaraang araw lang ay ayaw nitong makipag-usapan sa akin. Tch.

"Oh?" nabuburyong panguna ko. Umirap ako sa kanya. Iyong nagmukha akong tinatamad na harapin siya.

"Masama ba ang gising mo?" tanong niya na may ngisi sa labi. Hindi ko alam kung anong rason ng itanong niya sa akin iyan.

Kumunot ang noo ko at bumuntong hininga dahil sa nakakainip ang mga sinasabi niya.

"Oo." sagot ko sa kanya saka ko tinaas ang kanang kamay ko. Iniharang ko iyon sa mukha ko, animong sinusuri ang bawat detalye ng kamay ko.

"Kaya naman pala." tatango-tangong aniya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paghakbang hanggang marating ko ang panghuling baitang.

Liliko na sana ako ng muli niya akong tawagin. Sandali akong tumigil at lumingon ng bahagya sa kanya.

"Kaya naman pala...Masama din ang mukha eh. Haha!" pangaasar ni Bulldog habang tumatawa. Dumungaw ako sa ibaba at doon nagtama ang paningin namin.

"Tss." tugon ko. "Ngayon lang sumama ng ganito ang mukha ko. Eh pano, ganitong oras nakakasalubong kaagad ako ng tarantado." pinagmukha kong pabulong ang sinabi ko bagaman talagang sinadya kong marinig niya iyon.

"Anong sabi mo Shitzu?!" dumadagundong ang tinig niya ng isigaw niya iyon.

Inirapan ko lang siya saka ko pinanood ang pagakyat niya sa hagdab papunta sa akin.

"Sinong tarantado ang tinutukoy mo?! Ha?!" sigaw niya sa mismong mukha ko.

"Ikaw, malamang." sagot ko habang tinitignan siya mata sa mata. Kitang kita ko kung paano umigting ang panga  niya. Tss. OA.

"Ang lakas ng loob mo ah?" usal niya at tinulak ako. Buti nalang at nakakapit ako sa handrails dahilan upang hindi ako matumba. Nang hindi ko siya sinagot ay muli niya akong tinulak. Sa pang-apat na beses ay natumba ako. Nag-init ang ulo ko dahil baka madumihan ang puti kong pantalon. Lalo pa at mahirap itong labhan.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon