Nang sumunod na araw ay hindi ko na alam kung anong gagawin. Ayokong pumasok, nakakawala ng gana sa totoo lang. Kaya lang ay hindi ko rin masabi sa mga kasama ko sa bahay kung bakit ako nagkakaganito. Lalo na kay mommy, alam na alam niyang wala ako sa mood kahapon pa. Kaya para makaiwas ako sa mga tanong niya ay pumasok nalang ako.Nakakabaliw ang mag-isip ng husto. Parang ayoko sa pakiramdam ng nagkagusto. Lalo na ng maisip kong baka ako lang ang may nararamdaman sa aming dalawa.
Imbes na dapat ay inubos ko ang atensiyon sa tournament ay kay Shitzu ko iyon nababaling. Minsan sa laro ay lutang ako. Tsk!
Marami kaming subject sa umaga. Sa bawat subject na 'yon ay apat ang meron kaming quizz. Mabuti at nasagutan ko naman ang mga questions. Iyon nga lang ay hindi ko halos matuon ang atensiyon sa pagsagot niyon kaya sa trentang mga tanong ay lima hanggang walo ang mga mali ko.
Dahil doon ay sinubukan kong kalimutan muna ang iniisip. Huwebes na ngayon at next week na ang tournament namin. Malapit na kasi ang final exam sa third semester. Minadali ng committee na ganapan na ang tournament, ang buong akala pa man din namin ay next month pa.
"Kain na tayo?" ako na ang nagyaya sa kanila ng sumapit ang lunch time.
"Sige." sabay-sabay nilang tugon. Maging sila ay nagulat din dahil nagsalita na ako.
"I-cecelebrate natin yan mamaya dude. Happy First Word of Zain!" loko-lokong sigaw ni Luke. Binatukan ko siya sa kagaguhang ginawa.
"Whatever." nalang ang nasabi ko.
Sabay-sabay kaming bumaba ng building at tumungo sa canteen. Nang sulyapan ko ang mesa nina Shitzu ay wala siya doon. Tanging mga iilan sa nga kaibigan niya. Kahit nalungkot ako ay pinilit ko nalang na maging magaan ang mood ko.
Mabilis kaming umorder ng pagakain. Dinamihan ko ang kanin maging ang ulam. Natawa ako sa sarili, para na akong baliw nito. Kung ano-ano ng ginagawa at iniisip ko. Tsk!
"Mamaya talaga dude mag bi-beer ako." nagsalita na naman si Luke. Muli akong natawa at pasiring siyang tinignan. Nakaupo na kami ngayon sa pwesto namin.
"Kung may beer lang talaga dito, kanina ko pa nilaklak yon." tumatawang sabi ni Axel. Natawa nalang din kami kahit na hindi naman talaga nakakatawa iyong sinabi niya.
"Ikaw dude, sama ka?" tanong sa akin ni Luke. Kahit kailan talaga hindi siya mabubuhay ng hindi nagsasalita kahit minuto man lang.
"Syempre, sasama ako." nakangiting sagot ko.
"Ayos! Mukhang si Luke nalang ang hindi makakasama."
Hindi ko na nagawang pakinggan pa ang mga sinasabi nila. Napako na ang paningin ko sa entrance ng cafeteria. Nakita ko si Shitzu na kakapasok lang. Talagang napakaangas ng dating niya. Natural na walang ekspresyon ang kanyang mukha. Biglang natahimik ang buong cafeteria. Maging ako ay natahimik din dahil mas nangingibabaw ang malakas na tibok ng puso ko.
Ngunit bago pa man magsalubong ang mga mata namin ay may humarang na sa harap ko.
"Hi, Zain." nakangiting ani ng isang babae. Si Ariand, dati kong niligawan.
These past few days ay palagi niya akong pilit na kinakausap. Niligawan ko siya noong nasa NBIS pa ako. I was in third year that time. Matagal na."Yeah," nalang ang sinagot ko. Nang muli kong sulyapan ang kinaroroon kanina ni Shitzu ay wala na siya doon. Iginala ko ang paningin at nakita ko siyang nakapila na sa counter.
"Zain?" tinig ulit ng babae. Ngunit kahit ilang beses niya pa akong tawagin ay talagang lumilingon ako sa gawi ni Shitzu.
"Zain, I'm inviting you to my birthday... that's on Saturday this week." muli siyang nagsalita. Doon lang ako tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...