Chapter 16

402 20 0
                                    

KAZE'S POV

Tatlong araw na ang nakalipas nang matapos ang laban sa clan namin. Araw ng miyerkules iyon ng mangyari. Ngayon ay biyernes na at huling araw nalang ng klase.

Kanina pa kami nakauwi dito sa bahay kaya ngayon ay naghahanda kami ni Kate ng uulamin. Siya ang magluluto ng Adobo, tinutulungan ko lang siya para mabilis kaming makakain.

"Paki tingnan nga kung may patatas pa tayo diyan." hindi niya maalis ang tingin sa hinihiwang karne.

Patatas? Nilalagyan ba ang Adobo non?

Gusto ko sanang tanungin sa kanya iyon ngunit hindi ko na ginawa.
May kaliitan ang haba ng ref namin kaya ay yumukod pa ako upang tignan sa pinakamababang parte ng ref kung meron pa. Ngunit wala na aking makitang patatas, napansin ko ring wala ng laman ang ref namin. Tanging nabuksan na keso at tatlong hiwa ng isda lang ang naroon bukod sa mga iilan pang bagay. Sinara ko na iyon at bumalik sa tabi niya.

"Wala na. Wala naring laman yung ref natin." sabi ko.

"Tsk, kailangan na nating mag grocery niyan." sabi niya. Tumango nalang ako.

"Paki hiwa nga 'to." dagdag niya at inabot sa akin ang bawang at sibuyas. Mabilis ko iyong kinuha sa kanya at hiniwa iyon. Nagsalang narin siya ng pan at nilagyan niya iyon ng mantika. Nang matapos kong hiwain iyon ay nilagay ko kaagad sa kawali.

"Kaze! Hindi pa yan mainit!" angil niya.

"Iinit din yan mamaya." sabi ko nalang.

Umupo ako sa silyang kaharap niya at doon siya tinignan sa pagluluto. Bigla ay narinig naming tumunog ang phone niya. Kakalagay niya lang ng karneng manok sa pan.

Iniwan niya iyon saglit at inabot ang telepono niyang nasa mesa.

"Sino ba to?!" sabi niya habang nakatingin sa telepono. Pinakita niya sa akin kung sino ang tumatawag ngunit unregistered number iyon.

"Hello?" pagsagot niya.

"Hi! baby!" narinig ko sa kabilang linya. Ako nalang ang nag bantay sa niluluto niya. Habang nakatingin ako sa laman ng pan ay nakikinig ako sa usapan nila.

"Uhhh! Baby it's me! Mommy Krizza! Nakakatampo ka ah! Hindi mo na marecognize ang boses ng mommy mo."

"Hala! Mommy! bat kayo napatawag?!"

"Kase anak gusto kong dalawin ninyo kami. Last month hindi rin ninyo ako pinuntahan."

"Sorry mommy, naging busy kasi kami eh. Kailan niyo ba gusto mommy?"

"Uhmmm...maybe now?! Hahaha!" doon na ako tumingin kay Kate. Mahirap na at baka pumayag sa gusto ng mama niya.

"Honey! Bukas na lang! Gabi na oh!" dinig namin sa kabilang linya. Sa pagkakatanda ko ay boses iyon ng papa ni Kate. Kung ako ang tatanungin ay tama ang suhestiyon ng ama niya.

"Oh sige na nga. Tomorrow anak ha? May party rin kasi dito sa bahay natin. Small party lang naman, business friends ko lang ang pupunta."

"Okay mommy, sige po. Bye! I love you mommy"

"O siya, I love you and I miss you anak. Bye."

Akma nang puputulin ni Kate ang linya ng biglang sumigaw ang mama niya. Umiling ako ng ngumiwi siya at inilayo ang telepono sa tenga.

"Ah yes mommy?"

"I forgot to say hi to Kaze. Sabihin mo sa kanya, I miss her."

"Sige po. Bye ulit mommy."

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon