"Anong ibig sabihin ni Kalem!?" napakaseryoso ng mukha ni Master nang magtanong siya sa akin.
Kanina pa kami nakauwi sa bahay niya. Sa daan pauwi ay hindi siya matigil sa kakatanong kung ano iyong mga pinagsasabi sa akin ni Kalem kanina. Nang dumating kami pinili kong matulog kaagad upang makaiwas ako sa mga iba pang tanong niya. Hindi na nga ako kumain ng pananghalian. Ngayon ay kakagising ko lang at ganyan na kaagad ang tumambad sa akin. Nang tanungin ko siya kung bakit siya nandito sa kwarto ko, sabi niya ay hinintay niya talaga akong magising. Mukhang totoo nga ang sinabi niya, ngayon ay nakahiga pa ako sa kama.
"Kaze! Answer me!" sigaw niya,nauubusan na ng pasensya.
"Baliw si Kalem, Master. Huwag kang magpapaniwala---"
"Kaya nga magsabi ka sa akin! Nang sa ganon ay hindi ako maniniwala sa kanya."
"Kakagising ko lang, magmumugmog muna ako." sabi ko nalang upang kahit sandali ay makatakas ako sa kaseryosohan niya.
Inis akong bumangon sa kama at basta nalang inalis ang kumot sa katawan. Pabagsak akong lumakad patungo sa banyo at doon ko sinimulang magmugmog.
"Ilang damit ba ang dinala mo?" nangibabaw na naman ang tinig ni Master. Tinignan ko ang repleksiyon niya sa salamin. Nakakrus ang kanyang braso habang nakasandal ang ulo sa hamba ng pinto.
Mabilis kong tinapos ang ginagawa saka ako nagpunas ng bibig. Nang tignan ko siya ay naiinip na kaagad ang mukha niya.
"Tatlong pares lang, uuwi na ako sa susunod na araw." sagot ko.
"Liliban ka sa klase?"
"Malamang---"
"Sagutin mo ako ng maayos, Kaze." nananaway na aniya. Umalis siya sa may pinto at doon pumwesto sa kama. Nang makalabas ako ay hindi nakatakas sa akin ang matalim niyang tiitig.
"Hindi muna ako papasok ng dalawang araw. Tinatamad ako." naging sagot ko nalang. Hindi naman ako tinatamad, ayoko lang munang pumasok.
Narinig ko siyang bumuntong hininga. Tinapik niya ang tabi niya, sinasabing doon ako umupo. Kagaya ng ginawa niya ay malalim akong huminga at marahas na pinakawalan iyon. Tahimik kaming dalawa habang magkatabing nakaupo. Pinapakiramdaman ang isat-isa.
"Sabihin mo sa akin kung ano iyong mga binanggit ni Kalem. Gusto kong malaman Kaze. Sinunod ko ang gusto mo na hindi ka na bantayan araw-araw. Ngayon ay gusto kong malaman. Sabihin mo sa akin lahat." kung kanina ay seryoso ang boses niya, ngayon ay mas sumeryoso pa. Bihira ko na siyang marinig sa ganyang boses nitong mga nakalipas na araw. Ngayon nalang rin kami ganito ka seryoso mag-usap.
"Wala nga iyon."
"Halata sa mga kinilos mo kaninang may tinatago ka sa akin."
"Wala akong tinatago sayo, kuya." matigas kong sabi.
"Kaze," naubusan na kaagad siya ng pasensya.
"Kuya, wala nga talaga." bumuntong hininga ako. Biglang sumakit ang ulo ko sa kakaisip. Maraming bagay ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin. Noong si Bulldog lang ang nasa isip ko ay nahirapan na ako. Ngayon ay dumating pa si Kalem. Lalong-lalo na si Kate. Nagaalala ako sa kung anong gawin ni Kalem sa kanya para lang makuha ang gusto niya.
Sa frustrasyon ay marahas kong itinulak ang sarili pahiga sa kama. Ang parehong paa ay naroon parin sa sahig, tila ganoon ako kapagod upang makaya pang itaas iyon.
"Ang totoo niyan ay marami talaga akong iniisip. Tss. Dumagdag pa iyong gagong si Kalem." pag-amin ko. Hindi man ang mismong iniisip ko ang sinabi ay pakiramdam ko gumaan ng kaunti ang dibdib ko. Mukhang problemado na nga talaga ako. Tsk!
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Acciónformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...