Chapter 41

138 9 0
                                    

Nang matapos kaming kumain sa canteen ay dumiretso kami sa parking lot. Doon lang kasi merong bench na walang tao. Nagpaalam narin sina Jax na babalik na sa kanilang booth. Naroon halos lahat ng mga estudyante. Lahat doon nagsasaya at enjoy na enjoy sa mga ginagawa.

Ngunit hindi ko magawang mag enjoy sa ngayon. Nawala ako sa mood dahil sa nangyari kanina.

"Hindi mo pa nakukwento sa akin ang nangyari sayo kanina." usal ni Kate.

"Sabihin mo sa akin." seryosong dagdag niya. Napasinghap ako saka nagsimulang magsalita.

"May dalawang lalaking humila sa akin kanina. Dinala ako sa madilim na kwarto at pabagsak akong binitawan." sabi ko.

"Bakit ka hinila? I mean... bakit nila ginawa yon?"

"Noong umalis ka ay may babaeng humarang sa akin. Doon nagsimula."

"Anong ginawa?"

"Tch. Walang saysay iyong sinabi niya."

"Ano nga?"

"Kumusta daw ang pakiramdam ng panlalandi." pairap na sabi ko.

"What?! Kay Zain no?! Nagseselos siguro sila sayo."

"Bakit naman?"

"Kaze, hindi lang ako ang nakakapansing nagsasama kayo. May iba pa nga akong narinig na ang sabi ay may relasyon kayo." Umiling ako dahil sa hindi pagsang-ayon sa kanya.

"Hindi kita maintindihan."

"Kaze, ganito kasi yun. Hindi lang ako ang nandito sa school. Marami akong nakitang kakaiba sa inyo. Opinion ko lang to ah. Parang may spark kasi kayo." paliwanag niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Wala ka ba talagang gusto sa kanya?" mas lalong namilog ang mata ko sa tanong niya.

"Wala nga." usal ko saka nangalumbaba.

"Tsk! Sabihin mo nalang sa akin ang plano mo sa mga ugok na yun kapag magaling ka na talaga. Sige, magpahinga ka na muna." sa boses niya ay talagang nag-aalala siya. Buti naman at iniba na niya ang usapan.

"Ayos na iyong pahinga ko kanina." sagot ko.

"Ikaw ang bahala." aniya.
Hindi na ako kumibo sa halip ay pinatong ang ulo sa mesa.

**********

ZAIN'S POV

"Dre, bigla kang nawala?" tanong ni Rex ng makabalik ako sa booth.

"May pinuntahan lang." mahinang usal ko.

"Saan?"

"Sa clinic."

"Ha? Bakit?''

"Hindi mo alam Rex?" sumingit sa usapan si Psalm. Ngumingiti siya sa akin. Sinamaan ko ng tingin.

"Hindi, bakit? ano bang nangyare?" usisa ni Rex. Papalit-palit ang tingin niya sa amin.

"Nakita kong may kumaladkad kay Kaze. Tinulungan ko." sabi ko.

"What dou you mean dre? Kinaladkad?"

"Tsk. Nakita kong pinasok siya sa isang room doon sa last section---"

"What?!" sigaw ni Rex. Nagulat ko siyang tinignan. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan makapagreact.

"Bakit hindi siya nanlaban?" si Rex ulit. Masamang masama ang mukha niya. Galit ba siya?

"Parang may sakit siya. Nilalagnat pa nga." sabi ko.

"So sinamahan mo siya sa Clinic. Tama ba?" nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Bakit ganyan ang reaksyon niya? Parang concern na concern eh. Tsk!

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon