Chapter 69

77 11 2
                                    

Ps: favorite number...charot hehe

***

Habang tumatagal ang biyahe namin ay napapansin kong pamilyar na sa akin ang daan. Nangunot ang noo ko ng mapagtantong parehong daan ito papunta sa Hidden Pain. Wala na kasi akong makitang mga malalaking bahay at building. Kung hindi damuhan ang paligid ay saging at puno naman. Apat na lanes nalang rin ang kalsada.

Ngunit nawala ako sa iniisip nang mapansin kong mas bumibilis na ang takbo ni Shitzu. Sa unahan ay may kotse siyang nakasabay sa daan at ganoon nalang ang gulat ko nang basta niya itong lagpasan. Napakabilis ng takbo niya. Tsk!

Binilisan ko narin ang takbo ko hanggang sa makita ko siya sa unahan. Tinabihan ko siya a binaba ko ang salamin.

"Mag dahan-dahan ka nga, Shitzu!" malakas na sabi ko.

Ngunit imbes na sumunod sa sinabi ko ay nilagpasan niya ulit ako nang mas mabilis pa sa ginawa niya! Maging iyong tunog ng umuugong niyang makina ay naririnig ko pa kahit na hindi ko na siya ganoong nakikita. Inis kong pinaharurot ang sasakyan. Nang matanaw ko siya ay halatang mabilis parin ang pagmamaneho niya. Kahit astig siyang tignan ay naiinis parin ako dahil mabilis ang pagpapatakbo niya. Nakabuntot lang ako sa kanya at talagang matigas ang ulo at binilisan ang pagpapatakbo!

Sa unahan ay suwabe niyang niliko ang motor. Muli kong napansin na daan ito patungo sa Hidden Pain. Dalawang lanes nalang ang meron at puro puno na ang gilid ng kalsada. Sa di kalayuan ay lumiko na naman siya pakanan at huminto sa unahan. Nangunot ang noo ko, nasa Hidden Pain kami ngayon.

Bumaba na ako sa sasakyan at ganoon din si Shitzu. Nagtatanong ko siyang tinignan.

"Bakit tayo nandito?" gulat na tanong ko nang makalapit sa kanya. Talagang nawiwirduhan ako sa kanya ngayon.

"Maguusap nga, ulit-ulit." mukhang nainis pa siya sa akin.

"Hindi tayo pwedeng pumasok diyan!"

"Huwag kang maingay, pwede?"

"Umalis na tayo, Shitzu!" hindi ko na maiwasang mainis sa kanya.

"Dito nga tayo mag-uusap," ngumiwi siya. "Takot ka sa mga guwardya sa loob?"

"Hindi," kunot-noong sabi ko. "Ayoko lang mapahamak."

"Tss..."

"Matigas talaga 'yang ulo mo." sabi ko.
Umirap lang siya. "Umuwi na tayo." seryosong dagdag ko.

"Nandito na tayo, Bulldog. Tinatamad na akong magmaneho. Pumasok na tayo bago kita masapak dito." aniya. Tumingin siya sa akin ng naka kunot-noo.

"Hindi tayo pwedeng pumunta dito kung walang laban. Kapag nahuli tayo ng mga guwardya diyan----" hindi ko ma natapos ang sasabihin nang takpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya. Masama ang tingin niya sa akin.

"Kapag nahuli tayo, edi nahuli. Tss. Halika na nga!" asik niya saka naunang maglakad sa harap ng mataas na gate. May mga cctv pa naman dito. Tsk!

"Bulldog, bilis na!" asik niya ulit nang makitang hindi ako sumunod sa kanya. Bumuntong hininga nalang ako at sumunod sa gate.

Pinanood ko siyang pindutin iyong maliit na buton sa screen. Nagulat pa ako nang biglang bumukas iyong maliit na gate. Akala ko ay nabuksan ni Shitzu yon pala ay may bumukas ng gate mula sa loob. Lumabas ang isang lalaki na alam kong guwardya, napakaseryoso ng tingin niya sa akin. Oo, hindi man lang niya tinignan si Shitzu.

"Es-tu avec ce salaud?" anang lalaki na ngayon ay si Shitzu na ang kinakausap. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Lalo akong nagtaka dahil hindi ko naman alam na nagsasalita siya ng French.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon