"Ikaw talaga Zain! Pumunta ka lang dito para aksayahin ang tubig namin?" masamang-masama ang mukha ni Kate nang sabihin iyon.
Ako naman ang nagbabayad ng bill namin sa tubig ang kuryente. Natatawa ako sa kanya dahil para kaming bata na pinapagalitan niya. Napaka madrama ng mukha niya maging ang tindig niya.
"Jusko naman! Akala ko ba maglalaba ka Kaze?" ngayon ay ako naman ang binalingan niya habang sapo-sapo ang noo. Sa loob-loob ko ag gusto king humagalpak ng tawa. Kaso lang ay tinatamad akong gawin yon.
"Maglalaba nga ako," pasiring kong sinulyapan si Bulldog na ngayon ay basa parin. Nasa labas pa kami at pinapakinggan ang talak ni Kate. "Inistorbo ako. Tss."
"Hay! Ewan ko sa inyo. Na istress ako!" marahas niyang kinamot ang ulo saka nadpapadyak na pumasok sa loob.
Bumuntong hining ako sa ka dramahan niya saka ako naglakad papasok.
"Shitzu! Wala na akong damit! Tsk!"
"Oh tapos?" sumulyap ako sa kanya saka naunang pumasok. Sumunod din siya kaya natalakan na naman kami ni Kate.
"Bwiset! Yung sahig! My ghaaad!" marahas siyang bumuntong hininga. "Tumutulo pa yang mga damit ninyo! FYI mga mam-ser. Ako ang nag mo-mop ng sahig dito. Bwiset talaga! Doon nga kayo sa labas! Ako na ang kukuha ng tuwalya!" sigaw niya sa amin. Totoong siya ang naglilinis dito sa bahay. Kaya lang ay napaka madrama lang kasi ng boses at mukha niya.
Sumulyap ako kay Bulldog sa likod. Basang-basa parin siya habang nakatingin sa kung saan. Mukhang giniginaw na. Tch.
"Alam mo bang wala akong damit?" seryoso niyang sabi sa akin ng magsalubong ang mga mata namin.
"Alam ko, sinabi mo na kanina eh."
"Tch." umiwas siya ng tingin sa akin saka umiling sa kung saan.
Mabuti at nakabalik na si Kate. Tinalakan niya pa kami ng isang beses saka hinagis ang dalawang bagong tuwalya. Pinunasan ko ang sarili at pagkatapos ay pumasok na ako sa kusina. Sumunod sa akin si Bulldog nang hindi nagsasalita.
"Dito ka na muna umupo." sabi ni Kate kay Bulldog. Hinila naman niya ang upuan at tahimik na umupo doon.
Papasok na sana ako sa kwarto ng tawagin ako ni Bulldog. Napakaseryoso ng tono niya,batid kong maging iyong mukha niya.
"Kaze, pahiramin mo ng damit! Tatanga-tanga ka diyan." lumapit sa akin si Kate at bumulong. Sinulyapan kong muli si Bulldog na ngayon ay nakasimangot. Mukhang galit ata.
"Tsk! Oo. Kukuha lang ako." sabi ko nalang at pumasok sa loob ng kwarto. Kumuha ako ng pinakamalaking t-shirt na meron ako. Talagang nag hanap pa ako ng mas malaki pa ngunit wala na akong makita.
"Kaze! Bilisan mo!" narinig kong sigaw ni Kate sa labas. Umiling nalang ako saka ako lumabas hawak ang t-shirt.
Nang tignan ko ang pwesto ni Bulldog ay wala na siya doon. Tanging si Kate nalang ang nadatnan ko.
"Nasan yung aso?" mahinang sabi ko.
Tinuro niya ang labas ng bahat kaya tumingin din ako doon. Saktong palabas siya ng sasakyan niya bitbit ang bag.
Tahimik siyang pumasok ng bahay saka ako sinamaan ng tingin. Talaga ngang galit siya. Tss.
"Damit oh." inabot ko sa kanya iyon at tahimik niyang tinanggap.
"Kaninong damit to?" tanong niya.
"Akin."
Tumango lang siya at dumiretso sa cr. Sa kilos niya ay parang nasa sariling bahay niya lang siya. Malakas talaga ang apog. Tss.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...