1

24.3K 344 14
                                    

Summer

"What's this?" Tanong niya habang nakangiti pero may kakaiba sa ngiti niya habang hawak-hawak ang manika kong kinuha niya mula sa pagkakahawak ko

"Barbie"

"This is a trash you know, and you're old to play this doll" sabi niya pa at tumabi sakin

"Can I comb her hair?" Nagulat ako sa sinabi niya dahil ito ang unang beses na sumali siya sakin. Masaya ko namang inabot ang maliit na suklay sa kanya

Pero nanlaki ang mata ko nang paunti-unti niyang binilisan ang pagsuklay sa Barbie ko. Pilit ko siyang sinaway at inagaw sa kanya ang laruan pero di ko magawa dahil umakyat siya sa puno. Wala akong panlaban dahil 'di naman ako marunong umakyat.

"Ku-kuya wag po. Maawa po kayo sa kanya! Wala naman siyang kasalanan sayo"

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko at tumalon-talon ako, nagbabakasakaling makakaakyat at maabot ang Barbie.

"What? She looks beautiful, see? See?" Mas lalo pa akong naiyak nang pinakita niya ang kalbong Barbie ko

"Kuya, akin na po 'yan"

"You want this?" Tumango-tango ako sa kanya sabay singa ng sipon ko sa may laylayan ng tshirt ko

"You're so disgusting you know that?" Hindi ako sumagot dahil di ko naman alam kung ano ang ibig sabihin nun

"Here" abot niya at bago ko pa makuha binawi niya ang Barbie atsaka binali ang paa at kamay niya, pati ulo niya binunot niya

Nagsimula na akong mapahagulhol. Sira na ang Barbie ko wala na akong malalaruan. Ito ang unang regalong Barbie sakin ni tatay. Pinulot ko isa-isa ang mga bali-baling katawan ng Barbie ko bago tumakbo papasok sa bahay habang yakap-yakap ang laruan ko.

"A-ayos ka lang ba? Aayusin kita. Si-si-si kuya kasi eh, hindi ko naman siya inaaway pero inaaway niya tayo. Sana wag siyang maging bad"

Kinakausap ko siya habang panay tulo pa rin ang luha ko. Kahit pahirin ko man may babagsak uli kaya bale wala lang. Ibinalik ko sa dati ang ayos ni Barbie pero hindi ko magawa.

Nang maghapunan na, nauna akong natapos at dumiretso agad sa kwarto para ayusin uli si Barbie nang bumukas ang pintuan. Mabilis ko 'tong tinago sa ilalim ng unan ko. At pinahiran ang luhang lumabas.

"Anak"

"Tito"

Kahit kasal na sila ni nanay hindi ko pa rin siya natatawag na 'tatay' dahil siguro sa mahal na mahal ko si tatay at hindi ko pa kayang may masabihan ng 'tatay'. Ayos lang naman yun kay tito at kay nanay basta daw tanggap ko siya. Naiintindihan daw nila ako at balang araw masasabi din ang salitang 'tatay' pero para sakin isa lang ang matatawag kong 'tatay'.

"Ba't hindi ka pa natutulog?" Tanong ni nanay bago tumabi sakin na sinundan naman ni tito

"Matutulog pa lang po ako. Goodnight po nay, tito" sabay nilang hinalikan ang magkabilang pisngi ko at humiga naman na ako.

"Aray"

"Bakit honey?" Tumalukbong agad ako sa kumot sa tanong ni tito kay nanay

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon