Summer
Kanina pa titig na titig si Marco sa'kin habang pinipinta na namin ang miniature na bahay niya. Papainitan na lang at wax tapos na.
"May dumi ba ako sa mukha? May problema ba sa nagawa ko?" Umiling siya at huminto sa pagpinta. Tinukod niya ang kamay sa lamesa at bahagyang tumalon para umupo rito
"Ate, mukhang malalim po kasi ang iniisip niyo pero nakangiti naman kayo" sabi niya na nakapahinto sa pagpipinta ko
"Naiisip mo lang 'yan. Ikaw talaga"
"Kuha muna ako ng snacks ate" paalam niya bago bumaba sa lamesa
Maganda ang pagkakayari niya ng bahay niya. Polidong-polido pati ang pagpukpok niya ng pako at lagay ng screw. Bahay na bahay talaga at may ginawa pa kaming mga gamit tulad ng sofa at cabinet.
Naghugas ako ng kamay at sumunod sa kanya sa kusina. Sumasayaw pa siya habang hinihiwa ang cake. Napatingin ako sa lalagyan ng cake na glass container, kapag inalis sa chiller ay nagiging transparent rainbow ang kulay. Talagang gumastos talaga siya para sa meryenda namin.
Inilapat niya ang isang slice cake sa'kin na may strawberry sa taas.
"Salamat, nag-abala ka pa talaga"
"Wala 'yun ate, may sponsor kaya ako" hagalpak niyang sabi bago kumindat
Binigyan niya naman si Manang Lina na nasa isang kwarto kung sa'n nakalagay ang mga tela at sewing machine, gumagawa ng damit at basahan.
Inuna kong kainin ang strawberry na ubod ng tamis. Kumuha agad ako ng isang kagat ng cake at napangiti ng mabalanse nito ang tamis ng strawberry sa dark chocolate mocha flavor nito. Ito 'yung tipong hindi ka mauumay at hindi mauuhaw.
"Ate may ibibigay nga pala ako sa'yo mamaya, pag-uwi ko" banggit niya nang maupo sa harapan ko
"Gusto mo bang samahan kita ngayon papunta sa skwelahan niyo?"
"Sige po ba" masaya niyang sagot
Kumain pa ako ng isa pang slice ng cake at nagpahinga ng kunti bago sumakay sa bike, kasabay si Marco. Malapit lang ang international school na pinag-aaralan niya kung sa'n din nagrade school si Red. Hiniram ko na rin ang isang bike na nasa garage ng huli.
Umaga't-hapon nag-b-bike si Marco papunta sa skwelahan niya dahil malapit lang naman. Wala silang pasok ngayong linggo para gumawa ng mga assignment at projects nila na ipapasa bago ang graduation ball nila sa susunod na linggo. May kukunin lang siyang requirement at babalik din sa bahay pagkatapos.
Bumalik din ako sa bahay pagdating ko sa skwelahan. Gusto ko lang makalanghap ng hangin sa labas ng bahay. Matagal na rin nang mag-isa akong lumabas sa bahay. Hindi ko akalain na wala na akong problema, wala na akong iisipin pa. Alam ko na lahat.
Pero hindi pa pala, ngayong alam ko na ang lahat hindi ko alam kung pa'no kami ni Zrage kahit na mag-asawa kami. Hindi ko alam kung ano, at pa'no. Ano ba ang dapat kong ikilos, naalala ko ang tanong ni Marco. Dapat ba talagang umuwi na sa bahay ni Zrage o mananatili muna sa bahay ni Red. Bakit nga ba ako nagtatago.
"Pasok" sagot ko nang may kumatok sa pinto
Inilagay ko sa laundry bag ang pinagpalitan ni Fall na damit bago tiningnan ang pumasok sa kwarto
"Matutulog na po ba kayo?" Mahinang tanong ni Marco nang makita si Fall na natutulog na sa kama
"Hindi pa naman. Magbabasa pa ako ng libro" Turo ko sa librong nasa kama.
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Husband
General FictionSapat na ba ang pagmamahal mo sa isang tao para hindi sumuko? O sapat na ang mga sakit na nararamdaman mo para sukuan ang taong mahal matagal mo nang mahal? Meet Summer who's secretly in love with her brother turned out to be her husband. You will...