52

2.5K 69 25
                                    

Summer

"Magandang umaga po" bati ko kay Manang Lina na dinidiligan ang halaman gamit ang sprinkler hose

"Magandang umaga rin iha, kumain na ba kayo? Aba'y pagsasandok ko kayo" mabilis niyang ini-off ang hose bago pinunasan ang kamay sa dala-dala niyang facetowel

"Huwag na po, kaya ko naman. Tapos na rin po si Fall kumain, mamaya na ako" nakangiti kong sambit sa kanya

Napatingin siya kay Fall na nasa gilid ko nakatayo, lumapit siya rito bago marahang hinaplos ang pisngi ni Fall.

"Ang lusog-lusog talaga ng batang 'to. Ang sarap panggigilan, pwera usog" natawa ako sa sinabi ni Manang

"Malapit na nga po 'yang mag-isang taon, mas malaki pa sa ibang bata na kasing edad niya"

"Inay" sabay kaming napalingon ni Manang sa tumawag sa kanya

"Papasok muna ako, nandito na si Marco" tumango ako kay Manang at tinapik niya naman ang balikat ko bago pumasok sa loob

Binalik ko uli ang tingin sa anak ko na pilit inaabot ang pekeng damo na nasa garden. Hindi niya maabot dahil sa malulusog niyang binti. Pumantay ako ng upo sa kanya bago siya kinandong sa hita ko.

"Hindi mo maabot?"

"Nanalagwa" napahagikhik ako sa sagot niya atsaka siya binaba sa damuhan. Kung ano-ano na lang talaga ang matipuhan niyang sabihin na hindi ko naman maintindihan.

May maliit na plastic steel naman na nakaharang sa pool at garden kaya malaya siyang makakalaro at makakagapang. Ang saya-saya niya habang kinukuha ang damo na hindi niya naman kaya dahil nakadikit na 'to sa lupa. Ang sarap pakinggan ng mga hagikhik niya, nakakawala ng pagod.

Humiga ako sa tapat ni Fall at wala sa sariling naisip ang mga nangyari nung nakaraang linggo. Parang kahapon pa nung ang bigat-bigat nang nararamdaman ko pero ngayon kunti na lang.

Palagi akong tinatawagan ni Red at paminsan-minsan ay napunta rito sakay ng taxi. Pinapasundan siya ng tauhan ni Zrage kahit pa na sabihin ng una na wala siyang alam kung saan ako kaya patago siyang pumupunta rito. Sina nanay at Tito naman ay kinukumusta ako sa pamamagitan ni Red, nagpapadala ng mga pagkain kahit na kaya ko naman.

Malaki-laki rin ang naipon ko nang magtrabaho ako sa coffee shop at ang allowance ko rati na matagal kong inipon, pati na rin ang pagtatrabaho ko sa kompanya. Si Blake, kinukulit din ako at nagpapadala ng voice message, paulit-ulit na humihingi ng tawad.

Kontento na ako sa lagay namin ni Fall ngayon, mabait sina Manang Lina nakilala ko na dati nang pinatayo 'to ni Red, kasama niya sa Marco na anak niya. Tinutulungan siya sa mga gawaing bahay, pinapaaral naman siya ni Red. Magkokolehiyo na din si Marco at balak niyang kumuha ng Fine Arts. Nagpapaturo sa'kin ang bata ng iba't-ibang technique nang makita niya ang mga gamit ko na nandito sa garden.

"Wiwi" bumalik ako sa sarili ko nang marinig si Fall na nagsalita

"Ha?" Takang tanong ko sa kanya, may diaper naman siya

Sinundan ko ang tingin niya at nahinto sa pool na umaapaw ang tubig at nasasala rin naman sa maliit nitong canal papunta sa mga halaman sa garden.

"Ang talino naman ng anak ko" hinalikan ko siya sa pisngi nang matagal bago siya pinabalik sa paglalaro

Palagi kong sinasabi ang salitang 'yun tuwing niloloko ko siya at naihi na walang diaper. Hindi ko alam na natatandaan niya at alam niya ang pakiramdam nito. Habang lumalaki siya ay nagiging kamukha ko siya nung maliit pa ako. Nakuha niya ang mapupungay kong mga mata.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon