19

9.7K 203 15
                                    

Summer

Alam kong bibiruin ako ng mga pinsan ko kapag nakita nila ang suot ko at hindi nga ako nagkamali. Pagbaba ko pa lang sa kotse ay nakita ako ni kuya Neon na isa rin sa mga nagpapasimuno ng mga biro sa'min, may pinagmanahan talaga si Red.

Sabi ni Zrage mag-pa-park lang raw siya, susunod na lang. Ilang minuto na wala pa rin siya.

"Sum, wala pa ba asawa mo?" Tanong ni kuya Ashton habang pinapatulog ang bunsong anak niya

"Wala pa po kuya"

"Hindi na nun kinaya ang ganda mo pinsan, iba talaga pagkalahi natin" iiling-iling na sabi ni kuya Neon sabay tawa

"Si Hannah?" Tanong naman ni ate Senna, asawa ni kuya Ashton

"Papunta na raw siya, natagalan lang sa pag-m-make-up at pili ng damit" sagot ni tita

"Alam niyo naman ang batang 'yun" kibit-balikat na dagdag pa ni tito

Kanina ko pa pansin na tahimik si nanay at tito, sa totoo lang hindi lang silang dalawa kundi silang lahat. May magsasalita lang kung may itatanong. Pati si Red ay tahimik lang na katabi ni Ate Lyre asawa ni kuya Neon.

"Terence pakainin mo na lang 'yang mga bata at siguradong gutom na ang mga 'yan" sabi ni tito—daddy ni Hannah, kay tito Terence—daddy ni kuya Ashton na kapatid ni Tita at nanay.

"Tapos ko nang pakainin ang mga 'to Harry. Hinihintay na lang nila ang Tita Hannah" sagot ni tito Terence na may ngiti. Nasa kanya kasi natabi ang dalawang anak ni kuya Ashton, mga lolo's boy.

Kina kuya Neon at Red, si tita lang ang sumama dahil may trip sa ibang bansa si tito para sa business proposal. Si tito ang mas masalita kesa kay tita na minsan lang magsalita. Namana nina Red ang pagkabubbly kay tito.

"Oh! Nandito na si Hannah!" Masayang sambit ni Tita—mommy ni Hannah na ikinalingon namin.

Ang ganda niya talaga. Maganda na nga siya, ang ganda niya pa maglakad. Kitang-kita na ang galing-galing niya bilang isang model, hindi maikakailang siya ang nangunguna sa Asia. Ngumiti siya sa'min at nagtatalong niyakap ako paglapit niya sa'kin.

"Oh my gosh" kinikilig niyang sambit sabay paypay sa sarili niya gamit ang kanang kamay

"I'm so proud of you Summy, look! Twinnie na twinnie na tayo, we're twinning!"

"Bagay ngang magmodel din 'tong si Summer kung hindi lang siya nahihiya. She got the looks and the body" sabat ni ate Lyre

"Walang duda kung ba't kayo bagay na bagay ni kuya Neon ate Lyre, lakas niyong magbiro" natatawang sabi ko na namumula sa hiya

"I'm not sweetie" kindat pa niya

Mas lalo tuloy akong naconscious sa suot ko, hindi ako sanay sa mga papuri nila.

"Oh right, bago pa 'to humaba I just wanna thank you all for coming here. My kuyas', my super kind cousin Red, my twinnie, my cute little nieces, and my aunts' and uncles'. I knew you're all busy yet you came. Thank you. And with that, lemme open the wine and let's toast together" kasabay nito ang pagbukas ni Hannah sa wine bago niya inisa-isang lagyan ang mga baso namin.

Nakipag-toast din ako sa kanila pero hindi ininom ang wine. Ibibigay ko na lang 'to kay Zrage na hanggang ngayon ay wala pa rin. Nag-umpisa na kaming kumain at takam na takam na naman uli ako sa mga pagkaing hindi ko naman kadalasang kinakain. Tulad na lang ng paglagay ng ice cream sa balat ng lechong baboy, at ang lagyan ng tubig ang soda. Busy naman ang lahat sa pagkain at pag-congratulate kay Hannah. Pati mga anak ni kuya Ashton ay sabik na sabik ring kausapin si Hannah kung pa'no maging model. Three at five years old pa lang ay halatang gustong-gusto nilang maging model.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon