22

9.5K 184 11
                                    

Summer

"Ganyan talaga 'yang si Mr. Wsfught. Ayaw niya sa mga video o text gusto niya personal talaga. Ikaw may kailangan dapat paghirapan mo"

Napatango-tango ako sa sinabi ni JK. Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain ng tanghalian at natanong niya rin kung ayos lang ako 'nung nakaraang araw sa Germany. Nabanggit niya ring buwan-buwan pumupunta si Zrage sa nasabing bansa.

"Grabe pala si Mr. Wsfught mukha naman siyang mabait" komento ko

"Kaya nga isa na rin sa dahilan kung bakit hindi siya tumatanggap ng tawag lang dahil naloko na siya. Tapos na nilang i-install ang mga gamit sa isang hotel pero talbog ang cheke at walang dineposit sa account nila. Mabait talaga siya kaya maraming beses na rin siyang naloko at nag-desisyon na gawing personal ang pagkikita ng mga kliyente niya para kung tumalbog man ang cheke maaaresto agad"

Kakainin ko sana ang pang-huling kagat ko sa tempura nang tumunog ang teleponong dala-dala ko. Alam ko na kung sino ang tumatawag dahil iba ang tunog nito.

"Buy me pesto and brewed coffee" Bungad ni Zrage pagsagot ko sa kanya at binaba na ang tawag.

"Sige JK. On duty na ako" natawa siya sa sinabi ko at tumango.

Malapit na rin matapos ang lunch break namin kaya ayos lang. Pumunta agad ako sa gilid sa labas nitong building para bilihin ang utos ni Zrage at bumalik sa opisina niya.

Nadatnan ko pa siyang nasa may bookshelve nakatayo habang nagbabasa. Inilagay ko na lang sa counter ng mini bar niya ang binili ko.

"Sir. You only have ten more minutes before your meeting with the Heads' of every department." paalala ko sa kanya. Tiningnan ko pa siya bago lumabas.

Habang inaayos ang mga gamit na nasa ibabaw ng desk ko napako ang tingin ko sa sketch pad. Napangiti ako nang makita uli ang naiguhit ko ilang linggo na rin ang nakakalipas. Sana nga kambal.

Nahimas ko ang tiyan ko. Hindi pa siya lumalaki. Hindi ako nagsusuot masyado ng slacks at pencil dahil baka maipit ang baby ko. May binili naman si nanay na mga dress at pinapatungan ko na lang 'to ng blazer o di kaya ipailaliman ng turtle neck long sleeves.

Napatingin ako sa orasan, ala-una sirado pa pero inaantok na ako. Hindi ako masyadong matakaw sa pagkain, dumedepende lang pero simula nung bumalik kami galing sa Germany hindi lang pagod ang nararamdaman ko kundi antok na rin. Kahit alas-dose ng tanghali inaantok na ako. Basta may nakikita akong pwede masandalan.

Nakuha ng atensyon ko ang paglitaw ng isang imbitasyon ng isang foundation sa screen ng computer. Gaya ng sinabi ni Zrage dati, pinabayaan ko lang. At chineck ang schedule niya bukas kung pwede pa ba siya. Binigyan ko agad sila ng sagot na wala na bukas at ibinigay ang bakante pa.

Napatingin agad ako sa babaeng kakaraan lang sa desk ko at diretso sa pintuan ni Zrage. Tiningnan ko ang schedule niya para makitang wala siyang appointment ngayon maliban sa meeting na magsisimula na maya-maya.

Tumayo ako atsaka siya nginitian. Katulad ng ngiti ko sa coffee shop nung nag-t-trabaho pa ako.

"Good afternoon ma'am. May I know yo-"

"Kaya naman pala antagal akong pagbuksan iba na pala ang secretary" taas-kilay niyang sabi bago ako tiningnan mula paa hanggang mukha

"I'm Saña. Mr. Fuego's daughter" pagpapakilala niya

Wala namang Saña sa mga scheduled meeting o kaya ay Fuego.

"Ma'am wala pong appo-"

"Review his schedule again and do your work" mataray niyang utos, na sinunod ko naman kung hindi lang para kay Zrage. Magagalit na naman ang huli pagmay pinapasok akong galing sa labas

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon