15

12.2K 197 17
                                    

Summer

Nagising ako nang wala na si Zrage sa kama, sumakit ang batok at likod ko dahil sa pwesto kong nakaupo habang nakayukong natulog. Ni hindi ko namalayang nakatulog ako habang nagbabantay kay Zrage. Mabilis ko siyang hinanap sa labas pero wala man lang ni anino niya.

Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at umupo sa couch. Sa'n na naman ba kasi siya nagpunta? Malakas nga siya at ang dali niya lang gunaling basta may lagnat pero baka naman ay bumalik at mabinat siya. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa orasan. Alas otso y medya na at late na 'ko.

Hindi na lang muna ako pupunta sa opisina at malalate din naman ako. Pumunta ako sa kusina para magluto ng agahan. Habang nagluluto ay napapasulyap ako sa gilid baka makita si Zrage na dumaan.

At hindi nga ako nagkamali dahil pagkatapos kong ilagay sa bowl ang fried rice ay dumaan siya kaya tinawag ko na.

"Sa'n ka galing?" Hindi niya ako sinagot at kumuha lang ng tinapay bago inilagay sa toaster

Naglagay naman ako ng mga plato sa lamesa at ang iniluto ko para makakain na kami

"Hinanap kita kanina, baka nagkasalisi lang tayo. Kain ka muna at mamaya titingnan ko kung may lagnat ka pa pa-"

Hindi niya uli ako pinansin at inilagay ang thermometer na nasa bulsa niya bago umalis dala-dala ang tinapay. 37 degrees Celsius, normal na. Umupo na lang ako at nagsimulang kumaing mag-isa.

Sa dalawang taon na pagsasama namin ay ni minsan hindi pa kami sabay na kumain, kung nandidito lang siguro sina nanay ay yun lang para naman din 'yun sa pagpapanggap namin. Minsan nga naisip ko kung hindi ako pumayag sa gusto nilang magpakasal kami ano kayang mangyayari sakin? May pamilya na ba ako, may jowa, anak, o single pa rin. Kung sasabihin ko namang ayaw ko sa ganitong sitwasyon at gusto ko nang mamuhay nang totoo sigurado akong masasaktan sila lalo na't pinaghirapan nila ang kompanya, ang kompanyang naging dahilan kung ba't kami nandirito sa sitwasyong 'to.

Niligpit ko ang pinagkainan ko at kagaya ng dati naglagay ako ng sticky note sa ref para ipalaam sa kanya na may pupuntahan ako at huwag siyang magpapagutom kumain na lang siya pag-gutom na.

Napasapo ako sa noo nang makitang wala na dito ang mga pantalon at t-shirt ko, ginalaw na naman siguro 'to ni Nanay habang wala ako dito. Buti na lang talaga at nandito pa ang pjs ko. 

"Bakasyon na-miss ko sobra ang mga pa-candy mo" napangiti ako sa sinabi ni Noren, ang kasama ko sa shift pagwala si Dianne

"Ba't yun lang?"

"Hay nako, huwag na huwag mo nga akong ganyanin. Alam mo namang nandidiri ako sa mga ganyang salita" Sabi niya sabay irap na ikinatawa ko.

Ayaw na ayaw niya talaga ang mga nakakarinig nang ganung mga sagutan dahil naaalala niya ang ex boyfriend niya.

"Nakita mo ba si Blake dito?"

"Hindi pa naman. Hoy, umorder ka naman para may customer na kami"

"Sige na nga. 'Yung usual uli walang whipped cream dalawang order pakilagyan na lang yung isa ng whipped cream"

"'Yan ang gusto ko. Hintayin mo na lang" sabi niya habang natatawa bago binigay ang number ko.

Habang naghihintay ay tumitingin rin ako sa orasan. Makakapunta pa ako sa opisina at sigurado akong kinakailangan ako ngayon dun. Ibibigay ko lang ang jacket kay Blake at didiretso na ako sa opisina. Na'san na ba kasi siya?

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon