Summer
Kahapon ko pa hinihintay ang dalaw ko pero wala, at ngayon na naman wala uli. Alam ko kung kailan ako dadatnan kaya naman bumili na ako ng pregnancy test para malaman kung totoo nga ba ang sinabi ng doctor. Pinapawisan na ako ng malapot kakahintay sa resulta. Ilang minuto na lang malalaman ko na ang totoo.
Hindi ako nakapagtrabaho ng maayos kahapon dahil sa iniisip ko 'to. Pinapauwi na nga lang ako ni Wade dahil sa napansin niya rin na wala ako sa sarili, ni hindi ko macheck ang mga schedule niya kung 'di niya tatanungin
"Sum-Sum my lover?" Napapitlag ako nang may kumatok sa pintuan. Masyado na yata akong wala sa sarili dahil sa pagkabilis na mabigla.
Sinara ko agad ang pintuan ng banyo atsaka pinagbuksan ng pinto si Red, siya lang naman ang tumatawag sa'kin ng ganun.
"Red, napunta ka rito?" Ngumiti siya bago umupo sa lazyboy na nasa gilid ng kama ko
Nanlaki ang mata ko nang may maalala. Binuksan ko uli ang pintuan sapat lang para makadungaw ako bago ito sinara ulit.
"I'm not here to put up a fight with him. Atsaka wala naman 'yung unggoy sa baba, bukas ang gate at pinto ninyo. Hindi ka man lang ba natatakot na baka pasukan kayo rito?" Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya para tabihan siya sa lazy boy
"Hindi naman" kibit-balikat na sagot ko sa kanya
Bata pa lang kami ay magkakaibigan na sina Zrage at ang mga pinsan ko. Sila ang kadalasang naglalaro na magkasama kapag napunta sina tito sa bahay. Parang kuya na rin ang trato ni Red kay Zrage dahil sa mas matanda 'to sa kanya at close talaga silang dalawa. College si Red na nagsimulang mawala ang pagkakaibigan nila ni Zrage. Hindi ko natanong dahil mukhang personal kaya pinabayaan ko na lang. Sa tuwing magkikita silang dalawa ay parang sinusuntok na ni Red si Zrage sa mga tingin nito. 'Nung kasal ang huli kong kita nilang nagkita.
"Oh? Ba't ka naparito?"
"Pinapasabi lang naman ng maarte nating pinsan na may pa-after party siya na late naman" ngingiti-ngiting sagot niya
"After-party? Ano na naman ba ang pinagkaiba nun sa party-party at party?" Tumawa siya nang malakas na ikinakunot ng noo ko
"You know what? You're a full grown woman yet you still have this baby mindset in this kind of conversation. Are you really twenty-six or a six year old girl with a body of twenty-six year old gal?" Biro niya pa
"Huwag na huwag mo akong ma-english Red, babanatan talaga kita"
"C'mon Ms. Magna cum laude, let me hear your voice" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya
Hindi man ako naging honour student mula grade school hanggang high school um-excel naman ako nung college na. Sabi nga ng iba late bloomer raw ako. Sabi rin ng iba ang lakas ko raw sa mga prof at tsamba lang ang pagka-Magna ko. Pinabayaan ko lang naman sila dahil alam ko sa sarili kong pinaghirapan ko 'yun at naniniwala ako sa sinasabi nilang late bloomer ako.
"Umalis ka na nga lang baka maabutan mo pa 'yung best friend mo" biro ko sa kanya
"Ayaw mo bang masolo ang pinakamabait mong pinsan? Minsan lang naman tayo magkita"
"Kailan raw?" Pag-iiba ko sa usapan, 'di pinansin ang sinabi niya
"Tomorrow. Auntie knew about this, I thought they already tell you?"
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Husband
General FictionSapat na ba ang pagmamahal mo sa isang tao para hindi sumuko? O sapat na ang mga sakit na nararamdaman mo para sukuan ang taong mahal matagal mo nang mahal? Meet Summer who's secretly in love with her brother turned out to be her husband. You will...