Summer
"Summer! Ikaw talaga! Gagi ka!"
Nagyakapan agad kaming dalawa at ako na ang unang bumitaw
"Pasensya na ha, si nanay kasi pinapatrabaho ako sa isang kompanya" kahit na naging kaibigan ko na si Dianne hindi pa rin niya alam ang tungkol sa'min ni Zrage, ang buhay ko.
"Oh? Malaki naman sweldo dito ha atsaka may mahabang off pa"
"Sinabi ko nga sa kanya na kung ga'no ko kamahal ang trabahong 'to pero wala akong magagawa. Try ko na rin baka magustuhan ko"
"Huwag mo kaming kalimutan ha 'pag naging boss ka na" natawa ako sa sinabi niya
"Boss ka diyan, secretary nga ako"
"Malay mo, papakasalan ka ng boss mo. Sa ganda mo ba naman at 'yang katawan friend, sino ba naman ang hindi magkakagusto" napalabi ako sa sinabi niya at nakita siyang nagsulat sa logbook. Maaga akong napunta rito para wala pang-costumer at para sabihan na rin si Dianne
"Grabe ka din talaga kung mag-isip"
"Summer, sinasabi ko sa'yo pwede ngang magkagusto sa'yo yung boss mo at dahil pinag-uusapan lang rin naman natin ang gusto, si Blake hinahanap ka" napatingin agad ako sa kanya
Hindi kami pareho ng off at alam kong alam ni Blake na may off kami. Siguro kukunin niya na ang jacket niya na nasa bahay pa ni Zrage. Hindi pa naman ako umuwi sa bahay niya. Kahapon, diretso agad ako sa bahay namin at dun na rin natulog. Mapipilitan akong pumunta ngayon sa bahay niya para kunin ang jacket na pinahiram niya.
"Dianne pwedeng pasuyo? Pakisabi naman kay Blake na bibigay ko jacket niya bukas, ganitong oras para diretso na rin ako sa trabaho ko"
"'Di talaga uso sa'yo ang cellphone no?" Umiling ako saka ngumiti
"Sige. Aalis ka na?"
"Oo, baka matraffic pa. Baguhan pa naman ako, sige Dianne una na 'ko"
Pumara agad ako ng taxi at sumakay rito, alas otso pa lang at may isang oras pa ako. Habang nasa biyahe tinitingnan ko ang schedule ni Wade, maayos ang unang araw ko bilang secretary niya hindi pa nga lang ako komportableng kasama siya. Minsan kasi iba ang titig niya at tono ng boses, gayunpaman ayos naman siya bilang boss.
Diretso agad ako sa art department at binati ang ilang kasama ko na nandito na. Pansin ko lang na kapag lalaki ang boss ay lalaki rin ang nagtatrabaho dito tulad naming secretary nila, kahapon nga kay Zrage ay lalaki rin ang secretary niya. Umupo na muna ako at kumuha ng sketch pad ko. Matagal-tagal na rin nang mag-guhit ako.
Bawat guhit ay may nakatagong emosyon at paliwanag kung ba't mo 'to ginawa. Pero minsan, walang paliwanag kung ba't namin naguhit ang isang bagay pero may emosyon dito. Tahimik ko lang 'tong ginagawa hanggang sa may maporma akong isang figure. Isang bata.
"You're talented, I see" halos mapalukso ako sa kinauupuan ko sa gulat.
"Good morning Wade"
"Morning"
Sumunod ako sa kanya at sinabi ang mga gagawin niya ngayon. At kasama rito si Zrage, pupunta sila sa isa sa pinapatayong hotel ng kompanya at pupunta sa Cebu para tingnan ang lupang tatayuan ng hotel.
"Tara na?"
"Ha?" Nagtataka ko siyang tiningnan at ang braso niya na naghihintay lang sa kamay ko para humawak dito. Tumawa siya bigla
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Husband
General FictionSapat na ba ang pagmamahal mo sa isang tao para hindi sumuko? O sapat na ang mga sakit na nararamdaman mo para sukuan ang taong mahal matagal mo nang mahal? Meet Summer who's secretly in love with her brother turned out to be her husband. You will...