12

12.5K 229 3
                                    

Summer

"Anak, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Nanay nang makarating ako sa bahay.

Maaga akong nagising at nagluto. Kumain na rin ako pagkatapos at inayos ang mga gamit ko baka may ma-iwan pa. Kagabi ko pa napagpasyahan na uuwi na ako. Nakapagpahinga na ako ng tatlong araw dito at ayos na sa'kin. Hindi ko na 'rin inistorbo si Zrage kaya nag-iwan lang ako ng sulat sa kanya.

"Wala naman po"

"Ba't ka nauwi?"

"Nay naman, siyempre trabaho na uli"

"Hindi pa naman tapos ang isang linggo mong off"

"Ayos lang 'nay"

"Aba't magpahinga ka muna sa taas at mamaya ay may pupuntahan tayo. Ang aga-aga mo naman kasing nauwi anak"

Sumunod ako sa sinabi ni nanay at pumunta sa kwarto ko dito sa bahay para matulog. Hindi pa naman din ako nakatulog ng maayos kagabi at kakasikat pa lang ng araw.

Dalawang oras din ang naitulog ko at ngayon ay maayos-ayos na ang pakiramdaman ko at least nakatulog ako kahit papano. Pagbaba ko pa lang sa hagdan ay nakita na ako ni tito at binati, binati ko rin siya at nahihiyang ngumiti. Buti na lang at napaatras ang ticket na binigay niya at nagamit ko pa rin.

"How's your vacation iha?"

"Ayos lang naman po. Salamat po pala sa ginawa niyo"

Nakangiting tumango lang siya sabay abot sakin ng isang paper bag ng mamahaling damit. Dumating rin si nanay at tumabi kay tito. Sinenyasan niya ako na buksan 'to na sinunod ko naman.

"Para san po 'to nay, tito?"

"Hindi mo pa pala nasabi?" Tanong ni nanay kay tito

"Gusto kong ikaw magsabi alam ko namang excited na excited ka na" napangiti ako sa kanilang dalawa. Mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa.

"Ikaw talaga" naiiling na sabi ni nanay kay tito

"Anak, susuotin mo pala 'yan para mamaya. Sige na't mag-ayos ka na may pupuntahan tayo"

"Sa'n po?" Marahan niya akong tinulak papunta sa hagdan bago siya pumunta sa harapan ko

"Basta, mamaya na. Mag-ayos ka na at pupunta na tayo dun- teka nakakain ka na ba?"

"Opo"

"Ayos, sige anak. Hinintayin ka na lang namin dito"

Tumango lang ako sa kanya at pumunta na nga dito sa kwarto ko para maligo. Buti na lang at maayos ang binili nila 'di tulad nung una, floral dress na above the knee ang binili nila na sinuot ko naman at inilugay lang ang buhok ko. Pinares ko na rin yung stiletto na nabili ko sa mall.

"Ang blooming mo anak" namula ako sa sinabi ni nanay lalo na nang sinegundahan pa ni tito

"Halika na nga po" pag-iiba ko sa usapan

Sumakay kami sa sasakyan ni tito at napuno lang ng asaran ang buong biyahe namin. Ang gaan lang ng pagbabyahe kapag kasama si nanay dahil siya ang unang magsasalita na susundan naman ni tito, kapag silang dalawa ang kasama ko hindi ko namamalayan ang oras at ang traffic sa kalsada dahil sasabay pa sila sa jingle ng mga commercial sa tv.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon