53

2.5K 61 3
                                    

Summer

Iniwan ko muna kay nanay si Fall sa bahay namin bago ako pumunta sa mall. Nasa paborito naming lounge si Dew naghihintay. Tumawag siya kagabi sa'kin na gusto niyang makipag-usap sa'kin. Isang taon na din nang magkita kami, hindi pa napapanganak ang inaanak niya

Kumaway agad sa'kin si Dew. Lumapit siya sa'kin bago ako niyakap, niyakap ko din siya pabalik bago kumalas.

"Nasan si Fall?"

"Na kay nanay. Sa susunod na lang dadalhin ko siya"

Nagsimula siyang lumakad at sumunod naman ako, inakbayan niya ako katulad ng dati niyang ginagawa

"May nasabi pala sa'kin si Blake. Kinwento niya ang lahat, nasa ibang bansa kasi ako nitong mga nagdaang buwan"

"Parang kahapon lang nung halos sapakin ka na ni Blake tas ngayon magkaibigan na kayo"

"Oo naman, parehong pogi eh" nailing ako sa sinabi niya

"Sa may park tayo?" Suhestiyon niya na ikinatango ko

"Alam mo bang proud na proud ako sa'yo?" Nilingon ko si Dew na ngayon ay nakataas-baba ang kilay sa'kin

"Simula high school pa tayo, nakakarinig ka na ng mga salita na hindi maganda sa iba but look at you now. They're lower than the great Magna Cum laude Summer Winter Gopez" nahinto ako sa paglalakad pati na rin siya dahil nakaakbay siya sa'kin

"Pati ikaw?" Mahina kong tanong

"Kasal naman talaga kayo ni Zrage 'diba?" Inosente niyang sabi na dahan-dahan kong ikinatango

"Nakakapanibago lang na sabihin ang pangalan mo sa ibang apelido. Dati akala ko magiging akin din ang pangalan mo" natatawa niyang sagot

"Loko-loko ka pa rin"

"Pero seryoso Sum-Sum, ang layo na nang narating mo. You're a tough man, you're stronger than me, no joke"

Umupo ako sa may bench at tumabi naman siya sa'kin habang nakaakbay pa din. Nasa harapan lang namin ang bay side at mga batang naglalaro sa iba't-ibang atracksyon.

"Sinabi ni Blake sa'kin lahat nang magkita kami sa States, sinamahan ko siyang uminom bago ako bumalik rito. Masaya ako na tapos na ang lahat, naalala ko pa kung pa'no ka umiyak nung nasa resort tayo habang kinikwento mo ang totoo" marahan niyang pinisil ang tungki ng ilong ko

"I know how easily you can forgive people and I told him that"

"Tumatawag nga siya palagi sa'kin, nitong nakaraang araw lang nahinto"

"He's different from Zrage, ayaw niyang nakakasakit ng tao. He won't stop unless you'll say that he has forgiven but I guess naisipan na niya din na huwag ka na munang kausapin"

"Magkaiba talaga sila" pagsasang-ayon ko

"Zrage is willing to hurt himself just to get what he wants. He's also willing to punch someone on their face just to get what he wants. I remembered when he blocked me from getting inside our house just to get your number from me" napakunot ang noo ko sa sinabi niya

Inalis niya ang kamay niyang nakaakbay sa'kin bago umayos ng upo

"Naalala mo ba nung may makulit na nagtext sa'yo? Siya 'yun, hindi ko aakalaing may pagkaduwag pala ang unggoy na 'yun. He even texted me to make a call, dahil nasa tabi mo lang siya para hindi mapaghalataan na kanya 'yung number. He knocked on our door on two o'clock a.m. para ibigay sa'kin ang extra niyang phone at pinakita sa'kin ang mga dapat kong sabihin sa'yo dahil magkasama kayo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinasabi ni Dew, wala akong alam sa ginawa ni Zrage. Nasa condo ako ni Blake nang panahong 'yun dahil napuno na ako sa kanya. Ayaw niyang tanggapin si Fall bilang anak niya.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon