48

4.5K 76 43
                                    

Summer

"Pwede ba akong sumama sa trabaho mo?"

Nilingon niya ako at tinitigan ng mabuti

"Wala akong magawa, atsaka wala rin ngayon si Zrage nasa ibang bansa. Kung pwede nga lang na sumama ako sa ka-"

"You can come with me"

Napalabi ako sa inasal niya

Kinuha ko lang ang jacket niya na nasa rack at naunang lumabas, ako na rin ang kumuha sa susi ng kotse niya na nasa rack lang din. Prente na akong nakaupo sa sasakyan niya nang bigla niya akong binuhat at pumasok uli kami sa bahay, ang higpit ng hawak niya na hindi ko magawang ikilos ang mga binti ko at kung iaalis ko naman ang hawak ko sa batok niya ay mahuhulog ako

Dahan-dahan niya naman akong inilapag sa kama bago siya pumunta sa walk-in closet namin. Simula nung natulog ako rito ay nasa iisang kwarto kami pareho na natutulog at iisang closet lang rin ang mga damit namin. Nung nakaraang araw pa lang nga kami nagkatabi talaga sa kama, dahil sa couch niya naman siya natutulog o di kaya sa opisina niya sa loob ng bahay.

Inabot niya sa'kin ang pares ng isang off shoulder dress.

"Ito na lang, atsaka hindi naman ako tatambay sa kompanya mo. Titingin lang ako tas babalik na dito"

"Wear this"

Umiling ako bago tumayo

"Wear this or you can't come"

"Ayaw ko nga. Kahit sa sasakyan mo lang ako tas sasakay na lang ako ng taxi pagkatapos"

Ako rin ang nasunod dahil sa pagmamatigas ko. Simpleng short lang naman at large na sando ang suot ko. Hindi rin papasa bilang tukong ang short ko, mas maikli pa siya ng kunti sa tokong at mas mataas pa sa maiksing shorts.

Wala naman akong pakialam kong anong isusuot ko dahil titingin lang naman ako sa labas tas uuwi na rin.

Tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa inihinto niya ang sasakyan sa isang napakapamilyar na building. Hindi mawala ang tingin ko sa kanya hanggang sa nakapasok kami sa parking lot.

"Ba't ka dito nagtatrabaho?"

Mabilis siyang lumingon sa'kin atsaka tinaasan lang ako ng kilay bago inalis ang seatbelt ko.

"Wear this"

Tiningnan ko lang ang sunnies na inabot niya at ang baseball cap.

"Para sa'n pa 'to?"

"Wear it or you can't go inside" napasimangot ako sa sinabi niya

"Anak din kaya ako ng may-ari nito atsaka bakit ba dito ka nagtatrabaho? Bakit iba na-"

"Dammit"

Sinuot niya sa sa'kin ang sunglasses at ang cap bago siya lumabas habang gulat pa rin ako sa ginawa niya. Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya sa gilid ko at lumabas din naman ako.

Pumasok kami sa elevator na nandirito sa may parking lot. Habang nakasakay ay tahimik lang kami sa loob hanggang sa huminto sa floor kung saan siya nagtatrabaho.

Paglabas agad ay napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. Ni hindi ko man lang napansin na may tao pala sa labas dahil hindi na siya pinasalita pa ni Blake.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon