16

10.9K 201 20
                                    

Note: Hi! Please read my note in the end, it's important. Thank you 😊

Summer

Ang bigat-bigat ng talukap ko at pakiramdam ko ay matutumba ako. Napahawak ako sa desk at dahan-dahang naupo. Nahilamos ko ang palad sa mukha at napayuko sa desk. Magmamadaling-araw na nang mauwi ako at si Red na ang naghatid sa'kin. Nanghiram na rin ako sa kanya ng cellphone para itext si kuya driver na may maghahatid sa'kin.

Uuwi na dapat ako pagkatapos ng speech ni Hannah pero hinarangan ako ni Red at nagpasama sa'king uminom. Hindi niya naman sinabi sa'kin kung bakit pero kahit di niya sabihin alam ko kung bakit, yung ex-girlfriend niyang mahal na mahal niya pero kasal na. Siguro ay nagkita na naman sila, naaawa na 'ko kay Red dahil hindi pa niya nakakalimutan ang babae. Hindi na rin kami nakapag-usap ni Hannah dahil hinila na 'ko ni Red papunta sa labas.

Umayos ako ng upo at tiningnan ang e-mail na dumating. Isang client na naman nagpapasalamat sa trabaho ni Wade. May bonus pa silang inilagay sa account. Iniprint ko na rin at tumayo para ibigay kay Wade nang maramdaman ko uli ang pagkahilo. Napakagat ako sa labi ko at umiling baka sakaling mawala. Hahawakan ko na sana ang scanner ng pintuan ng matumba ako at naging itim ang paligid. Narinig ko pa sina Karly na tinawag ang pangalan ko.

"Sir, pagpahingahin niyo muna nang ilang araw. Wala namang nakita sa result, kulang lang siguro siya ng pahinga"

Minulat ko ang mata ko at nakita si Wade na nakatalikod kausap ang doctor

"Thanks doc"

"No problem sir. Excuse me po" sagot naman ng doctor bago umalis

Humarap si Wade at dali-dali siyang tumabi sa gilid ko nang makitang nagising na'ko.

"You feelin' good now?" Tumango ako sa kanya bago dahan-dahang umupo na inakayan niya

"Salamat pala sa pagdala sa'kin rito"

"Sina Miguel ang naghatid sa'yo rito, sumunod lang ako. So, you okay? I bought fruits for you, you can eat it anytime you want. Want some?" Dire-diretso niyang sabi kaya napangiti ako.

'Di ko aakalaing maaalanahin pala siya, ang akala ko ay katulad siya ng ibang lalaking pagkatapos makuha ang gusto sa babae aalis na, yung tipong bad boy pero 'di pala. Sa totoo nga ang bait niya.

"Ayos na ako. Kulang lang ako sa tulog" nahihiya kong sagot

"Buti na lang at nandun na yung apat na lalaki sa department. Natagalan kasi ako dahil natraffic. You can rest tomorrow so you can have three days off. At huwag kang nagpupuyat"

"Ngayon lang naman 'to"

"Here" alok niya sa mansanas na binalatan na niya. Kinuha ko naman 'to at kinagatan agad, nagugutom na 'ko

"Salamat rito. Nag-abala ka pa"

"You're my employee, I got you" sagot niya sabay kindat na ikinailing ko

"Kumain ka na rin"

"It's for you. Exclusively" napatawa ako sa sinabi niya, napapaligiran talaga ako ng mga loko at weirdong lalaki

Umuwi na rin ako pagkatapos at libre lang raw ang examine at consultation dahil sa kompanyang doctor raw 'yun. Para talaga sa mga employees. Naabutan pa ako nina nanay na hinatid ni Wade sa labas para kumuha ng taxi na hindi naman natuloy dahil hinatid na nila ako sa bahay. Bahay ni Zrage.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon