57

2.8K 68 15
                                    

Summer

Nakangiti kong tiningnan ang gwapong mukha ni Zrage habang nakasiksik ang mukha niya sa pagitan ng dibdib ko. Bahagyang nakaawang ang labi niya. Nilandas ko sa ilong pababa sa labi niya ang daliri ko bago yumukod para halikan siya sa labi.

Hindi pa rin siya nagising. Inalis ko ang kamay niyang nakayakap sa'kin at dahan-dahang umalis sa kama. Nagtoothbrush muna ako at tiningnan ang kambal sa kwarto nilang tulog pa. Bumalik na lang ako sa kwarto para kunin ang libro na binigay ni Zrage.

Napangiti uli ako nang makita siyang nakatihayang nakahiga sa kama. Hindi niya pa na naalis ang suot niya kagabing white buttoned down sleeves na nakarolyo hanggang siko. Inayos ko ang kumot sa katawan niya at sinara nang mahina ang pinto

Pumasok uli ako sa kwarto ng kambal at lumabas sa balcony para magbasa ng libro at mabantayan sila.

Inabutan kami ng hatinggabi ni Zrage sa park. Tahimik naming tinitingnan ang mga ilaw na nanggagaling sa siyudad habang nakahiga sa nilatag niyang mat. Nakaunan ako sa braso niya at sinimulan niyang ikwento ang nangyaring meeting. Pati na rin ang pagbebenta ko ng paintings ay alam niya. Kinuntyaba niya pa si JK, sa plano niya kagabi.

Hindi pa alam nina nanay na nakauwi na kaming dalawa kagabi dahil tulog na sila nang makauwi kami at dumiretso kami sa kwarto ng mga bata para tingnan sila bago kami pumasok sa kwarto. Kakatapos ko pa lang maglinis uli ay niyakap agad ako ni Zrage at siniksik ang mukha sa leeg ko hanggang sa nakatulog siya nang hindi pa nakakabihis.

Tiningnan ko uli ang mga anak ko saka pumasok sa loob at sinara ang sliding door sa balcony. Lumilikot na si Autumn samantalang mahimbing pa din na natutulog si Fall sa tabi niya. Inilapag ko muna sa beanbag ang libro saka kinarga si Autumn na gumugulong sa kama.

"Good morning anak" hinalikan ko siya sa pisngi at pinaupo sa sahig nila na puro mat. Hinayaan ko siyang gumapang at maglalakad

"Halika nga muna kay nanay, aayusin natin ang buhok mo" kinuha ko ang clip niya niya na nasa vanity na nandito at hinuli siya na naglalakad

Pinaharap ko siya sa'kin saka hinawi muna ang buhok niya na tumatakip sa mukha niya at nilagay ang clip dito. Pinusod ko na rin ang buhok niya para hindi na siya kakamot sa mukha niya dahil sa buhok na humaharang sa paningin niya.

"'Yan, kasing ganda muna si nanay" hagikhik ko atsaka siya hinayaan uling maglaro pero lumapit siya sa'kin at nagpakarga

Hawak-hawak ang ilong ko at titig na titig sa'kin

"Nanay?" Diretso niyang bigkas

Nanlaki ang mata ko at napahinto sa ginagawang pagsayaw sa kanya.

"Nanay?" Ulit ko pa sa sinabi niya, ngumiti siya at tumango na akala mo'y naiintindihan ang mga sinabi ko

"Nanay"

Napasinghap ako at hinalikan siya nang matagal sa pisngi. Akala niya ay nakikipaglaro ako sa kanya dahil sa ginawa ko na ikinabungisngis niya. Maluha-luhang tiningnan ko siya at hinaplos ang mukha

"Ngayon mo lang ako tinawag na nanay. Pinasaya mo nang sobra si nanay, anak" lumunok ako at hinalikan uli siya sa noo.

Sa ganun kaming posisyon nadatnan ni Zrage. Pumasok siya sa kwarto nang walang saplot sa taas kundi Jersey shorts lang suot sa baba. Pinanlakihan ko siya nang mata at pinaharap sa likod si Autumn na karga ko

"Magbihis ka, makikita ka ng mga anak mo na ganyan ang hitsura" lumabi siya at hinapit ako sa bewang

"Hindi naman masama ah" protesta niya

"Sige na, magbihis ka na. Hindi kita palalapitin sa mga anak mo. Hindi pa rin magandang nakikita ka nilang naglalakad na hubad baka akalain nilang ayo-" naputol ang pagsasaway ko sa kanya nang lumapat ang labi niya sa'kin

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon