Hi po @moneskie I don't know if it really mention you kasi your username won't popped. Thank you for always writing on my message board kahit na matagal ang update but you still writes. Alam mo na why you made my heart melted sa story mo HAHAHA. Nevertheless, thank you uli kahit palagi kong nalilimutan 'tong 'pashout-out' mo (it's awkward for me to said that HAAHAHA) I love you po, and thank you 💕☺️
Summer
"Kanina ka pa tahimik ah" kulit ko kay Blake habang inaalis ang gamit sa bag niya
Kukuha siya ng picture sa park para sa isang editorial at isasama niya ako
"Naguguluhan pa rin kasi ako. May naalala ka na ba?" Napalunok ako sa tanong niya at pasimpleng tumingin kay Zrage na nakadekwatro habang nakatingin sa'min.
Nakakapaso ang tingin niya. Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya bago hinawakan sa braso si Blake.
"Pwede ba kitang maka-usap? Na tayong dalawa lang?" Naguguluhan man tumango siya sa'kin bago tiningnan si Zrage
"Kami na ang aalis, nahiya naman ako sa'yo" sabi niya dito at napailing na lang ako sa kanya
Dinala niya ako sa kwarto niya bago inilock ang pinto, narinig ko pa ang pagprotesta ni Zrage. Napabuntong-hininga ako bago tumabi sa kanya sa kama.
"Blake" pagsisimula ko
Nanlaki ang mata niya at hinawakan ang kamay ko
"Nakakaalala ka na?" Gulat niyang tanong
"Hindi pa" halos pabulong kong sambit
"Sinabihan ka ba ni Zrage? That asshole can't keep his mouth" iiling-iling na sabi niya
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa kamay ko, wala sa sariling napisil ko 'to ng mahigpit na ikinadaing niya.
"Sorry" natatarantang saad ko
"No, I'm fine. Binibiro lang kita" nakangiti niyang sabi
Hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa ginawa niya. Ayaw ko siyang saktan. Hinawakan niya ang baba ko bago dahan-dahang tinaas para magkaharap kaming dalawa.
"Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong
Nakagat ko ang labi ko bago siya inambahan ng yakap. Mahigpit na yakap. Nakuyom ko ang kamao ko sa t-shirt niya. Nagsimula ng maluha ang mata ko. Hinagod niya ang likod ko nang dahan-dahan. Hindi ko na kayang itago sa kanya ang nangyari kagabi.
"Blake, sorry" mahina kong sabi
Hindi siya sumagot, pero patuloy lang siya sa ginagawa niyang paghagod sa likod ko
"Bumigay ako, binigay ko ang sarili ko kay Zrage" nauutal kong sambit habang natulo na nang tuluyan ang luha ko.
Nahinto siya sa ginagawa niyang paghagod sa likod ko bago siya lumayo nang kunti sa'kin para tingnan ako sa mata
"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero tang-ina" nailing niyang sambit bago lumapit sa may pintuan
"Huwag kang susunod, mag-uusap lang kami" tagis ang bagang niyang sabi bago padabog na sinara ang pintuan
Mukhang magdudugo na ang labi ko sa sobrang pagkagat ko nito. Nakatitig ako sa pintuan kung saan siya lumabas na may mga pumapatak na luha sa mata.
Natatakot ako, natatakot ako na baka pati siya mawala. Nawala na ang ala-ala ko pero kung pati siya hindi ko na alam. Kitang-kita ko kung ga'no magtagis ang bagang niya at ang alab sa mga mata. Ngayon ko lang siya nakitang sobra kung magalit. Ibang-iba.
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Husband
General FictionSapat na ba ang pagmamahal mo sa isang tao para hindi sumuko? O sapat na ang mga sakit na nararamdaman mo para sukuan ang taong mahal matagal mo nang mahal? Meet Summer who's secretly in love with her brother turned out to be her husband. You will...