Summer
Tuwang-tuwa silang tatlo sa naging resulta ng pag-ch-check-up ko. Nasa kanila ang sonogram at black and white picture ng anak ko. Itatago raw nila hanggang sa manganak ako.
Kakatapos lang naming bumili ng damit para sa party ni Hannah mamaya. At ngayon ay papunta kami sa resort nina tito kung saan ginanap ang party niya rati. Sinama ko si Blake dahil naging malapit narin siya at espesyal sa'kin.
Gabi na nang makarating kami sa resort at dumiretso agad ako sa cottage ko na inireserve ni Hannah, si Blake naman ay kumuha ng isa para sa kanya. Pinahiram ni tito ang helicopter niya at naging masaya ang biyahe namin papunta rito dahil sa kay Blake, pati ang piloto ay nakikisali sa mga jokes niya, hindi gaya nung pagpunta ko rito na kasama ko ang kambal niya. Mabilis kong iniling ang ulo at itinuon ang atensyon sa mga gamit kong nasa backpack pa.
Pagkatapos kong makapahinga saglit sa mga inayos ay naligo uli ako at saktong paglabas ko sa bathroom ay nag-r-ring ang cellphone ko. Tumatawag ang number na panay text sa'kin, binigyan ko na 'to ng pangalan sa contacts ko.
"Hello, good evening"
Kalahating minuto ko ring hinintay ang sagot niya para lang sa wala pero tuloy pa naman ang tawag
"Hi, ako si Summer. Itong number ko ang palagi mong minimessage at gusto kong humingi ng pasensya kong hindi man ako ang taong hinahanap mo, nagtext na ako sa'yo kaso baka hindi mo natanggap dahil panay text ka parin."
Wala pa rin
"Hello? Sino 'to?"
Pagkatapos ng tanong ko ay binabaan niya ako ng telepono. Tumawag rin lang siya, tatawagan ko rin siya.
"Hello? Sino 'to?"
"Bakit ayaw niyong suma-"
"Sorry, I just want to hear your voice" napakunot ang noo ko sa sinabi niya
"Hindi po ak-"
"Pwede bang kahit ngayon lang, magpanggap kang ikaw siya? Pareho pala kayo ng boses, ang sarap pakinggan" rinig ko ang pagbuntong-hininga niya
"Ibigay niyo na lang po num-"
"Hindi mo ba napanood 'yung isang movie? Parang sinabi doon dahil nakalimutan ko rin na itext mo sa ibang tao ang nararamdaman mo na hindi mo magawa mismo sa kanya dahil sa ganoong paraan malaya mong masasabi ang gusto mong sabihin"
"Ginawa niyo talaga 'to ng alam niyo at hindi basta wrong send?"
"Parang ganun na nga. Sige na baka naistorbo kita. Hope you had a nice day"
Hindi na ako nakasagot at binaba niya na ang tawag. Bakit saktong natapat sa'kin ang may pinagdadaan rin sa pag-ibig. Ako pa naman ang tipo ng tao na wala masyadong alam sa pakikipag-usap sa usapang ganito.
Lumabas din ako para kumain sa resto kasama si Blake, nilibot namin ang resort sakay ang golf cart. Bukas pa ang party ni Hannah at pinili naming pumunta rito para malibot ang resort sa tanawin nito tuwing gabi. Ngayon lang uli nakapunta si Blake magmula nung maliit pa siya at hangang-hanga siya na natutuwa sa pinagbago nito. Pinauna niya akong pumasok sa cottage bago siya bumalik sa cottage niya.
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Husband
General FictionSapat na ba ang pagmamahal mo sa isang tao para hindi sumuko? O sapat na ang mga sakit na nararamdaman mo para sukuan ang taong mahal matagal mo nang mahal? Meet Summer who's secretly in love with her brother turned out to be her husband. You will...