17

9.5K 187 17
                                    

Secretjuan: Hi po! I miss youuu! Na miss kong mag-update nito kahit gustuhin ko man pero 'di ko magawa. Sa mga nagbasa sa 'Ask Station (5)' salamat po, sana naman po naintindihan niyo ako. Enjoy reading this and please read my note in the end.




Summer

"Next time you'll go out with that jackass, tell me" napalingon ako sa nagsalita at nakita ang walang saplot sa taas na si Zrage.

"H-ha?" Nauutal kong tanong sa kanya at tumalikod. Baka ano na namang maisip ko sa nakita

"Narinig ko ang makina ng sasakyan kahapon at pumunta sina daddy rito. I don't want them to caught us"

Napatingin ako sa cellphone kong nag-ri-ring at kay Zrage na nakatingin din sa'kin. Bakit ba kasi ako tumingin pa sa kanya. Dali ko 'tong sinagot at napangiti nang marinig ang boses ni Dew.

"Naiwan pala chocolate mo rito sa sasakyan. Dadaanan ko na lang sa inyo" nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya.

Sigurado akong gulo na naman pagnagkataon na magkita sila ni Zrage.

"Ikaw naman, sa'yo na lang"

"Talaga?" Rinig ko ang pagngiti niya na ikinangiti ko rin

"Oo"

Natahimik siya sa kabilang linya at wala sa sariling tumingin ako sa likod ni Zrage na nakaharap na sa'kin ngayon. Tumatagaktak pa ang pawis niya galing sa pag-j-jog. Nakuha agad ng atensyon ko ang busina ng sasakyan na narinig ko sa kabilang linya.

"Nag-d-drive ka ba?" Agad kong tanong sa kanya

"Oo"

"Mamaya ka na lang tumawag. Wala ka naman sigurong ibang sasabihin na diba?" Mahina siyang natawa sa tanong ko

"Wala na pero may gusto akong marinig sa- pusang-gala!" Napakunot ang noo ko lalo na nang may bumusina ng malakas at sunod-sunod

"Ayos ka lang? Sabi ko naman sayo diba, mag-ingat ka. Sige na-"

"Sabihin mo munang, I love you bestfriend ko" napabuntong-hininga ako sa kulit niya.

"Bakit? Titigil ka na ba?"

"Oo. Pero ako muna" tumikhim pa siya bago nagsalita ulit

"I love you bestfriend ko" nailing na lang ako sa narinig

"I love you be-" pinutol niya ang tawag bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

Minsan talaga hindi ko rin alam kung ano ang trip ni Dew.

"Did your 'be' gave that phone to you?" Napatingin ako kay Zrage na kaharap ko na ngayon habang nakatukod ang dalawang kamay sa worktop. Wala sa sariling natawa ako sa sinabi niya

Hindi bagay sa kanya ang sabihin ang salitang 'be', ang cheesy pakinggan at ang slang ng pagkakasabi. Tumingin lang siya sakin na para bang may ginawa akong masama lalo tuloy akong natawa sa reaksyon niya. Ba't ganun kahit nakasimangot na siya't lahat-lahat ay ang gwapo pa rin niyang tingnan.

"Ang cute mo" natakip ko bigla ang kamay ko sa bibig at agad na tumalikod para pumunta sa kwarto.

Impit akong napatili. Sa lahat ba namang pwede kong sabihin 'yun pa? Hindi naman ako nagsisisi dahil totoo naman, pakiramdam ko ay namumula na ako. Ano naman pakielam niya kung binigyan ako ni Dew ng cellphone? Ni hindi ko nga siya pinapakielaman kung may babae siyang dinadala rito.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon