8

12.3K 219 8
                                    

Summer

Ito ang una kong tulog na nakashort at two-piece. Hindi ako komportable at wala akong magagawa kundi isuot 'to kesa sa wala. Bigla kong naisip si Zrage, nakakamiss din pala siya, at ang pagtawag ko sa kanyang kuya. Simula ngayon di ko na siya tatawaging kuya para na rin samin, sabi nga ni nanay kahit medyo awkward. Sana nga masanay agad ako.

Yung makina pa lang ng sasakyan niya tuwing pumapasok siya sa garahe. Yung mga babae niyang dala-dala at ang mukha niya. Nakakamiss. Hindi man kami nagkakasundo ni Zrage pero mahal ko siya, mahal ko siya bilang kapatid at crush ko siya.

Matanda na siguro ako sa mga crush pero wala eh, kinikilig pa rin ako sa tuwing iniisip ko ang nakangiti niyang mukha, kahit mukha niya lang.

Twenty-six na ko, at hindi pa nagkakaboyfriend pero may nakahalikan na at walang iba kundi si Zrage. Sa tuwing ako lang mag-isa, madalas akong kinikilig sa katotohanang siya ang unang nakahalik sakin.


"I may not be your knight in shining armor but I can be your armor who you can lean on and trust when you need a shield. I will be your shield. We may be not the best couple in town but I'll tell you, best is boring and overused. We're just simply a couple who knows despite of our differences we turn our worsts into better. I'm not a sweet guy but for the sake of this, I can't used any curse right now, I think ants will love me now and pastry shops can add me to their menu and yeah, children will also loves me now"

Di ko mapagilan ang mapangiti at mapatawa ng kunti sa sinabi niya. Pati na rin ang mga kamag-anak namin at ang pari napatawa lalong-lalo na sina tito at nanay. Sino ba kasi ang mag-aakala na ganito ang sasabihin niya. Iniisip ko nga baka wala siyang sasabihin.

"Hindi man ikaw yung lalaking pinapangarap kong maging akin, ikaw naman yung lalaking minamahal ko at di pagsasawaang mahalin. Ikaw yung sumira sa mga pangarap kong akala ko ang ganda na pero di ko aakalaing wala ng mas ikagaganda pa nang dumating ka sakin. Hindi man ako yung babaeng tipo mo, sasabihin ko sayo ako naman ang magiging asawa mo. Hindi man ito kasinganda ng sinabi mo, ako naman ang babaeng maganda sa mga mata mo"

Namula ako sa pinagsasabi ko at sa hiyawan ng mga tao na nandito. Rinig ko din ang mahinang pagtawa ng pari. Pinigilan kong matawa sa mga sinasabi ko dahil magmumukhang biro lang, dapat seryoso kahit alam ko namang katawa-tawa ang sinabi ko. Lahat ng yun ay binaligtad ko lang. Hindi man kami nagworkshop para sa acting, daig pa namin ang mga artista sa pagkagaling umarte.

"You can now kiss the bride"

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hinawi niya ang veil at pakiramdam ko hihimatayin ako. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa magsagi ang ilong namin. Gustong-gusto kong tingnan kong anong gagawin niya pero napapikit na ako. Hindi naman niya siguro ako hahalikan. Kalma lang.

Mabilis akong napalunok nang maramdaman ang isang malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Hinalikan niya ba talaga ako? Ba't ang tahimik nila? Ayaw kong buksan ang mga mata ko dahil sigurado akong di ko kakayanin.

Ilang segundo lang ang itinagal ng malambot na bagay nang maramdaman ko ang paggalaw nito. Rinig ko naman ang hiyawan at palakpakan nila, hinalikan niya talaga ako. Wala na, siya na ang unang nakahalik sakin.

Napadaing ako nang kagatin niya ang ibabang labi ko kaya naman di niya na pinalampas pa at pinasok niya ang dila niya. Hindi naman ako marunong humalik pero tumugon ako sa halik niya at napahawak sa batok niya. Sinipsip naman niya ang dila ko kaya nakagat ko ang dila niya. Hindi pa rin siya tumitigil sa paghalik kahit di ko siya masabayan. Ganito pala ang pakiramdam ang sarap sarap lang at nakakatuwa kahit kakapusin ka na sa hangin.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon