58

3.7K 72 17
                                    

Summer

Kinakabahan akong tumingin sa taong nasa harapan ko ngayon. Hindi na nag-aksaya si Zrage at pagkatapos naming pumunta sa kompanya ay bumalik uli kami sa loob para ipabantay muna saglit kina Tito ang kambal na sakto namang dumating din sa kompanya kanina.

Katabi ko si Tita Nahan at kaharap naman ni Zrage si Tito Hary. Nasa bahay nila kami, may kunting pamumula pa sa mukha ni Tito dahil sa pagsugod ni Zrage sa kanya kanina. Buti na lang at daplis lang at nakailag siya agad. Naawat din namin siya ni Tita Nahan bago pa lumaki ang gulo.

"Hey there" nag-angat ako ng tingin sa babaeng kakababa lang.

Sabi ni Tito kanina ay kanina pang umaga nakauwi si Hannah galing na naman sa club. Ang kasambahay na nila ang tumawag kay Hannah para pababain ito at sabihing nandito kami.

Tumayo bigla si Zrage at agad ko siyang hinawakan sa kamay. Tiningnan niya ako at napabuntong-hininga.

"Tatayo lang naman ako. I felt suffocated being in one space with an ass" tagis ang panga niyang sambit at naupo uli sa tabi ko

"What a happy couple, two sets of lovely couple inches away from me" sabi ni Hannah at naupo sa lamesa.

Nasa may pool area nila kami, nasa loob naman ang mga kasambahay nila. Ayaw naming may makakarinig pa na iba.

Pinadausdos niya ang isang brown envelope sa lamesa atsaka sumandal sa upuan.

"Open it" mahina niyang utos

Gaya nang sinabi niya, binuksan 'to ni Zrage at binasa ang nasa loob

"Yes, I hired geneticists in the lab for doing the results that they gave you. It's all false positive, negative talaga ang test sa'min ni Hanne dahil hindi ko siya anak. While it's positive to you because you're her father, she's your child."

"I kept the real copy of the result incase you wouldn't believe that she's your child that I don't believe would happen. I know you will know she's your child even if I will just say it to you without explanations why did she end up with me." Umirap pa siya saka ininom ang juice sa harap niya

"I also hired a person to track you when you do your own tests and to get that doctors right away, secretly. Kahit pa na bantayan niyo sila, nauna ko ng nakuha ang loob nila. They risk their license for a million worth of money" dagdag niya pa

"I am sorry for what I did to your child but I will tell you, I am still bitter that you choose her over me. I want you to be happy, and I can't hide the fact that I am hurt. Now, lemme excuse myself. I still have to pack my things for a tv ad in Hawaii" wika niya at natayo

Tinawag ko siya bago pa siya tuluyang makaalis

"Kawawa naman pala ang isla kung pupunta ka, alam mo na walang ahas do'n" sambit ko sa kanya habang nakatingin sa kunot-noo niyang mukha

"What are you saying?" Taas ang kilay na tanong niya

"Pinapalibutan ng dagat ang isla kaya walang ahas na nandon, pwera na lang kung tutuloy ka do'n. Siguraduhin mo lang na magaling kang magtago kung ayaw mong maban sa isla" taas-kilay ko rin na sagot sa kanya

"The fuck, Summer" untag niya bago napairap

"Oo, diyan ka naman magaling 'diba. Ang kumama ng hindi mo pagmamay-ari"

"Summer iha" awat ni Tita Nahan sa'kin sa tabi ko

"Hindi na po kailangan tita, hindi naman ako magpapakababa tulad ng anak niyo" malumanay kong sabi kay Tita at nginitian siya

"Nga pala, sa susunod alamin kung ano ang meron at wala sa pupuntahan mo. Baka mamaya mang-agaw ka na naman tas nasa likod lang pala ang inagawan mo. Sige ka, baka mawalan ka pa ng trabaho" dagdag ko pa

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon