6

13.1K 243 8
                                    

Summer

"Hoy grabe ka naman sa tao Summer"

"Eh wala na akong choice eh atsaka sinabi ko naman sa kanya diba na 'wag niya akong ligawan"

"Tingnan mo oh, ayusin mo yan. At kapag hindi, lagot ka talaga sakin at mapapaltukan kita"

"Oo na"

"Una na kami"

"Sige, pakisabi kay Maya hi"

Umiral na naman ang pagka-ate't nanay niya. May asawa't anak na si Dianne, twenty-nine years old pa lang siya mas matanda kesa sakin.

Tiningnan ko si Blake na nakatingin lang sakin sa loob ng sasakyan niya, umalis siya kanina nang masabihan ko at ngayon ay bumalik na naman. Gabi na at umuulan, wala siguro siyang dala-dalang payong maski naman ako. Buti na lang at sinundo na si Dianne ng asawa niya at ako na lang mag-isa dito sa labas.

"Blake! Wag kang magpaulan!"

Pasigaw kong sabi sa kanya nang bumaba siya para lapitan ako

"Wag ka ngang magpapaulan Winter" medyo nagulat ako nang sinabi niya ang pangalan ko. Hindi naman niya kasi ako tinatawag sa totoong pangalan ko.

Hinawakan niya ang braso ko at nagulat ako ng isinuot niya sakin ang jacket niya

"Ano bang ginagawa mo"

"Masama bang sunduin ang girlfriend ko" napalabi ako sa sinabi niya

"Akala mo madadala mo ako sa mga linyahan mo kanina ah. Ibahin mo ako"

"Ano nga ba kasi ang ginagawa mo?" Ngumiti naman siya sakin at di ko talagang maiwasan ang makonsensya

"Sinusundo ka nga. Hatid na kita"

"Seryoso ka?"

"Oo, basta ikaw naman seryoso ako"

"Huwag na lang. Salamat na lang Blake, hihinto din 'to"

"Sige sasamahan na lang kita. Kain muna tayo? Mag-aalas otso na din oh"

Kanina pa sana ako nakauwi kong 'di lang sana umulan.

"Wag na di pa naman ako gutom, ikaw? Kumain ka na lang muna"

"Busog pa naman din ako"

Sabay kaming naghintay kung kailan hihinto ang ulan pero mukhang wala yata 'tong balak na huminto, palakas pa nang palakas. Naubos na lang ang chocolates at bubble gum na dinala ko sa kakakain namin.

"Ten thirty five na, di ka pa uuwi?" Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya

"Uuwi na. Blake, salamat pala sa pagsama sakin. 'Tong jacke-"

Di ko na natapos ang sasabihin ko nang hilahin niya ako papunta sa kotse niya bago pinapasok. Sumunod naman siya at sumakay sa drivers seat. Nakangiti niya akong nilingon

"Ano nga ulit ang sinabi mo?"

"Ang kulit mo"

Natawa lang siya sa sinabi ko at pinaandar ang sasakyan at nagsimulang magdrive. Aabutin kami nito ng hating gabi dahil sa di kakayanin ng wiper ang mga bagsak ng ulan kaya mabagal ang takbo namin tas traffic pa.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon