4

14.1K 250 6
                                    

Summer

Kakatapos ko lang mag-ayos. Isang bun lang naman ang ginawa ko atsaka naglagay ng kunting pulbos at lipstick. Isinuot ko na rin ang red stiletto ko na bagong bili ko rin. Sabi ni kuya may kukuha daw sakin at sasakay na lang daw ako dito dahil didiretso na siya sa party na kung sabihin ng sales lady ay party-party galing trabaho.

Saktong may bumusina na sa baba kaya kinuha ko na bagpack ko bago bumaba at sumakay sa sasakyan. Pinagbuksan pa ako ng pintuan ni kuya. Para pa ngang may gustong sabihin si kuya bago ako pumasok sa loob pero pinili na lang niyang manahimik.

"Kuya malapit lang po ba dito ang venue?"

"Medyo po ma'am"

Napatingin uli ako sa suot ko, medyo umiksi pa nga dahil umupo ako at hindi ako sanay na walang bra lalo na kapag ganito, sa bahay siguro kapag matutulog na ko. Pero foam lang ang suporta sa dress na parang wala din naman. Sana talaga makayanan ko 'to. Ano ba kasing klaseng party ang party-party na 'to?

"Kuya marami po bang dadalo?"

"Opo ma'am"

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni kuya. Sana pala nag-arte na lang ako na may sakit.

Wala pang kalahating-oras ay nakarating na kami sa venue.

"Kuya, pwedeng padrive na lang pauwi?"

"Po?"

"Sige na po oh? Nakakahiya, tas ngayon lang ako nakapunta sa mga ganito. Di ko kaya. Sabihin niyo na lang kay kuya na kumuha sa'yo na may sakit ako"

"Ma'am, matatanggal po ako sa trabaho nito. Tinext ko na rin po si sir na papunta na tayo"

"Ku-"

Pareho kaming napatingin sa labas kung saan may kumatok sa bintana.

"Kaya niyo po yan ma'am. Nandiyan na po si sir"

"Hindi po 'to kakayanin kuya. Salamat na lang po sa paghatid"

"Salamat din po ma'am"

Paglabas ko agad sa kotse ay yumuko ako. Ayaw kong makita ang mukha ni kuya, sigurado akong susungitan na naman ako nito. Ang ganda pa naman ng sapatos na suot niya.

"What are you doing? And what the fuck is that dress?"

Napatingin ako kay kuya na nakatingin sakin at sa damit ko. Napakapit ang hawak ko sa strap ng backpack na suot-suot ko sa likod. Dala ko talaga 'to dahil may dala-dala akong extra tee at jogging pants para mamaya at may tsinelas din. Girl Scout yata ako.

"Dress po?"

"Fuck!" Mahinang bulong niya at walang sabing kinuha ang backpack ko bago inilagay sa likod niya ang isang strap at ang isa naman ay pinabayaan niya lang na nakabagsak.

Mahigpit naman niyang hinawakan ang bewang ko papasok sa loob ng venue. Nanlaki agad ang mata ko nang makita ang mga suot nila. Lahat sila ay matataas na dress ang suot. Ako lang ang may maiksing damit. Tiningnan ko si kuya na wala man lang reaksyon. Binalik ko na lang uli ang tingin ko sa baba.

"Anak!" Napatingin ako sa harap at laking tuwa ko na nandito si Nanay at Tito.

Mabilis ko agad silang niyakap at binati. Ako na ang unang kumalas sa yakap dahil sa tinginan ng ibang tao samin.

"Mas lalo kang gumanda anak ha" sabi ni Nanay na tinanguan naman ni Tito

"Ako nga ang may naiibang damit dito eh. Akala ko kasi party-party-"

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon