Note: Mature Content
Summer
Iniiwasan kong mapatingin sa gawi ni Zrage kahit na nasa harapan ko siya. Nandito siya sa bahay para ibigay sa'kin ang isang envelope. May sinasabi siya pero hindi ko pinapakinggan, tinutuon ko ang atensyon sa anak namin na nasa crib niya, nilalaro ang unan
"I already knew the result, nandun ako mismo nang ginawa 'yan. Sinigurado kong walang daya"
"I'm sorry" dagdag niya
Tinaas ko ang tingin ko at nakita ang mukha niyang naluluha. Ang galing niyang umarte
"Para sa'n pa 'to kung sasabihin mo rin lang naman sa'kin?" Sinulyapan ko ang pahabang kulay-tsokolateng papel bago ko binalik ang tingin sa kanya
"I want you to see it, I want you to know. I'm tired of keeping things on my own" Marahan niyang sagot na halatang pagod.
Napangisi ko sa sagot niya
"Basura na 'to" sabi ko sabay kuyos sa envelope na bigay niya saka tinapon sa harapan niya
"Sum-"
"Pakibantayan si Fall, kakain muna ako" putol ko sa sasabihin niya bago lumabas sa kwarto.
Dumiretso ako sa garden at sumalampak agad. Anak niya ang dinadala ni Hannah. Anak niya talaga ang anak ng pinsan ko. Hindi ko maiwasang hindi pagak na mapangiti sa nalaman.
Ilang minuto akong naupo habang ninamnam ang malamig na simoy ng hangin bago naisipang pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto. Nilalaro ni Zrage si Fall na humahagikhik sa ginagawa niyang pagtakip ng mukha niya.
Pumunta ako sa closet at tiningnan ang damit na sinuot ko rati sa party na formal party pala. Inilagay ko 'to rito dahil alam kong hindi ko na 'to masusuot kaya iniwan ko na lang dito sa bahay pero hindi ko aakalaing masusuot ko 'to uli.
Naligo uli ako bago ko pinadede si Fall. Nandito pa rin si Zrage, tahimik lang siyang nakatingin sa'min. Hinele ko na rin ang anak namin para makatulog bago ko kinuha ang pampump para ilagay ang gatas ko sa bottle ni Fall at nilagay ko 'to sa ref.
Agad kong binuksan ang cellphone ko pagbalik ko sa kwarto at pumili ng mga tutorials bago ko sinuot ang black dress. Mas masikip siya ngayon dahil sa pagpapanganak ko kay Fall.
Hindi ako nahirapang sundin ang mga tutorials para sa make-up dahil na rin siguro sa Arts ang kinuha ko. Hindi ko sinunod ang mga kulay na nilagay nila, tiningnan ko lang kung pano gamitin ang mga make-up products. Bagong-bago pa 'to, ngayon ko lang magagamit.
Naglagay ako ng eyeliner sa gilid ng mata ko, wing eyeliner. At light peach na eyeshadow. Naglagay rin ako ng glitters sa ilalim ng mata ko at sa gilid nito. Malaki rin na volume ang nilagay kong mascara. Black eyebrow at dark red lipstick at kunting check tint.
Napangisi ako nang makita ang sarili sa salamin at lumabas sa walk-in closet ko
Tumingin ako sa orasan at mas lalong lumaki ang ngisi ko. Sakto lang para magbukas ang mga club. Hinaplos ko ang pisngi ni Fall at lalampasan na sana si Zrage na nandito pa rin nang hawakan niya ang braso ko.
"San ka pupunta?"
"Kung saan ka pumupunta" Diretso kong sagot sa kanya at nakipagtitigan
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Husband
General FictionSapat na ba ang pagmamahal mo sa isang tao para hindi sumuko? O sapat na ang mga sakit na nararamdaman mo para sukuan ang taong mahal matagal mo nang mahal? Meet Summer who's secretly in love with her brother turned out to be her husband. You will...