Summer
"Blake!" Pasigaw kong sambit sa kanya
Nalukot uli ang mukha niya
"I have the right to be with you" ginaya ko ang sinabi niya na ikinadaing niya
"Kahit kaibigan kita, may sarili rin naman akong desisyon kaya huwag ka na nga lang sumama."
Kahit na masaya akong malaman na sasama siya sa'kin pakiramdam ko ay may gagawin siya kaya siya sasama, sinabi ko pa naman sa kanya ang plano kong sasagutin na si Zrage ngayon
Simula nung nangyari sa kusina na alam ko namang nagbibiro lang siya para tumigil ako ay panay ang bantay niya sa'kin. Kahit si Zrage na napunta uli kahapon sa bahay ay kailangang nasa harapan siya namin umupo.
"I can do what I want"
"Sige na nga"
Sabi ko at nauna nang lumabas sa kotse niya, pati rito sa park ay inihatid niya ako imbes na sunduin ako ni Zrage sa bahay niya.
Nakita ko agad si Zrage na nasa may maliit na cottage sa kabilang side ng park kung saan may maliit na tulay. Parang napunta na ako sa na 'to, pamilyar na pamilyar. Pati si Zrage na nasa cottage parang nagawa na niya 'to rati.
"Hindi mo naman sinabi na tatlo pala tayo, dalawa lang ang naireserve ko" napalabi ako sa sinabi ni Zrage
"Eh kasi ang kulet"
"Ayos lang" Nakangiti niyang sabi.
Namula ako sa ginawa niya, kahit isang ngiti lang iba na ang epekto sa'kin. Pinaghila niya ako ng upuan bago siya umupo sa tapat ko. Hindi ko naman maiwasan ang pagsimangot ng mukha dahil nasa may likuran lang si Blake
"Kamusta araw mo?"
Nagkibit-balikat ako at palihim na nilingon si Blake sa likod
"Alam mo na, may kasama pa ring suplado" sagot ko sa kanya at halos pabulong na ang huling salita
"Ikaw?" Excited kong tanong sa kanya
"Ang damit ko pa ring lay-out na ginagawa para sa editorial ng isang food company"
Nakagat ko ang labi ko at walang pag-aalinlangang kinuha ang upuan ko para itabi sa kanya
"Ganito mo ba ako ka-miss?"
"Oo" Agad kong sagot sa kanya
Maya-maya pa ay dumating na ang mga pagkain namin. Pang-dalawang tao lang talaga ang pagkain. Tiningnan ko si Blake na nakatingin din sa'kin.
"Ah, hindi ka pa ba aalis?" Nahihiya kong tanong kay Blake
Wala siyang makakain. Hindi naman magandang tingnan kung nakatayo lang siya
"No" matigas niyang sagot at alam ko ng hindi talaga siya aalis
Binalik ko ang tingin kay Zrage
"Zrage ayos lang ba kung papaupuin ko si Blake rito?"
"Oo naman" natatawa niyang sagot
"Blake upo ka rito sa tabi ko" aya ko sa kanya pero hindi ko na siya hinayaang humindi kaya tumayo na ako at hinila siya
Kinailangan ko pa ang buong lakas ko para mapaupo siya. Nasa iisang upuan lang kaming umupo pero tinabi ni Zrage ang upuan niya para walang puwang. Pinagigitnaan nila akong dalawa.
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Husband
General FictionSapat na ba ang pagmamahal mo sa isang tao para hindi sumuko? O sapat na ang mga sakit na nararamdaman mo para sukuan ang taong mahal matagal mo nang mahal? Meet Summer who's secretly in love with her brother turned out to be her husband. You will...