20

10.8K 179 18
                                    

Summer

Tinanghali na ako nang gising dahil na rin sa pagod kagabi. Bumili na ako ng damit kagabi bago bumalik sa hotel. Akala ko malalasing sila pero si Joe lang pala, hindi kinaya ang alak dito. Hindi na siya nagtagal at pagkatapos ng dare ni kuya Ashton umalis na dahil pinaghahanap na raw siya ng mga kasama niya.

Hindi ko rin inakalang marunong kumanta si Zrage kung 'di pa dinare ni Hannah. 'Di niya naman ginawa at mas pinili pang hubarin ang sando niya kesa sa kumanta. Sinabi kasi ni Hannah kapag 'di niya ginawa 'yun o kahit sino sa'min ang dare, magtatanggal ng isang gamit na nasa katawan niya. Close na close talaga silang dalawa at parang kilala na nila ang bawat isa.

Pupunta na sana ako sa may buffet nang may staff na tumawag sa'kin at pinapunta uli ako rito sa private beach. Sinunod ko sila at ngayon kasama ko lang si tito, nanay at mga kapatid niya, at si kuya Ashton

"Kanina ka pa namin hinihintay iha" agad na sabi ni tito Terence pagkaupo ko

"Natanghali po ng gising"

"Mukhang nag-enjoy talaga kayo kagabi at maaga namang nagising si Hannah" natatawang sabi naman ni Tita

Ngumiti ako sa kanya bilang sagot at kumuha na ng mga pagkain. Pinuno ko na't baka magkulang, ang sarap pa man din ng mga amoy.

"Anak, si Zrage nga pala nandito na kanina. Nag-usap na ba kayo?" nahinto ako sa tanong ni tito

"Opo" mabilis kong sagot at tinuloy uli ang pagkain para hindi na siya makatanong

Hindi ko naman alam kung saan natulog si Zrage dahil sa nauna na akong natulog at paggising ko, wala na siya. Hindi na ako magtataka kung kumuha siya ng sarili niyang kwarto kagabi, sa kanila rin naman 'tong resort kaya hindi problema ang bayad at kwarto.

"Sum, nauna na pala silang mag-island hopping. Nagpaiwan na ako rito para samahan ka. Sunod na lang tayo kung gusto mo, o kahit ano" banggit ni Kuya Ashton nang makita akong tahimik lang sa gilid.

Tumango ako sa kanya at sinuklian niya naman ako ng ngiti

Nag-uusap sila tungkol sa mga negosyo habang tahimik lang akong kumakain. Nakakadalawang plato na ako. Pakiramdam ko ay nagtataka na sila kahit 'di nila sabihin. Kahit simpleng tinginan lang nila.

"Nagutom lang po" nahihiya kong sabi sa kanila kahit 'di sila nagtanong na ikinatawa nila

"Maganda nga 'yun kesa sa nag-dadiet Sum" sabi ni tito Terence

"Susunod ka ba sa kanila anak? Minsan lang pa naman kayo magbonding. Bukas babalik na ulit tayo sa trabaho" tanong ni nanay

"Opo"

"Nag-snorkelling na raw sila sa isla, hihintayin nila tayo" sabi ni kuya Ashton

Tinguan ko uli siya bago inubos ang natitirang pagkain ko. Ako na ang nag-aya sa pinsan ko nang makapagpahinga na ako ng ilang minuto at nagpaalam sa mga magulang at tito't-tita namin

"Bantayan mo 'yang kuya mo Summer" napakamot na lang sa batok si kuya Ashton sa bilin ng daddy niya

"Opo" nakangiti kong sagot sa kanya

"Summy!" napalingon ako sa sumigaw

Bahagya akong ngumiwi nang makita ang maliliit na alon na gawa ni Hannah dahil sa paglangoy. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko makuha-kuha ang swimming kahit na pina-enroll ako nina nanay rati ng swimming lesson. Ayaw ko rin ang pakiramdam ng tubig sa dibdib ko, pakiramdam ko masusuka ako. Nahihilo rin ako kapag nagtagal sa dagat.

"Halika rito, baba ka. It's fun" nakangiti niyang alok sabay hampas sa tubig

Umiling ako sa kanya at umayos nang upo sa bangka para makaharap siya

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon