28

9K 183 18
                                    

Summer

Sorry

I can't sleep, I can't stop thinking of you. How 'bout you, do you feel the same?

Ang gago ko, puta. Sabihin mo sa'kin ang matagal mo nang gustong sabihin para ipamukha sa'kin ang pagkakamali ko. Mas masakit kapag hindi mo man lang ako nagawang saktan.

It hurts knowing that you wouldn't even hurt me, and that alone made me feel death. I hope you just hurt me like I always do to you, it fucking hurts

"Honey ano ba 'tong mga text na 'to?" Tanong ni Blake pagkatapos basahin ang mga text

"Ewan ko, sinasagot ko naman kasi na hindi ako ang taong hinahanap niya. Na wrong send siya pero hindi parin tumitigil" sagot ko sa kanya bago inihilig ang ulo ko sa balikat niya at dumukot ng popcorn

Isang linggo nang nag-t-text ang unknown number na 'to. Pinapabayaan ko na lang dahil baka inakala nitong nagsisinungaling ako sa sinasabi ko sa kanya. Maski ako naaapektuhan sa mga text niya, mukhang lalaki pa naman 'to.

"Bakit niya pa kasi pinakawalan, nagmamahal naman pala sa kanya. Naaawa ako sa lalaking 'to mukhang mahal na niya ang babae ngayon niya lang napagtanto" sabi niya sabay yakap sa'kin

"Blake!" Hagikhik na saway ko sa kanya nang pinugpog ng halik ang mukha ko

"Bakit? Gusto ko lang naman lambingin ang honey ko eh" nakalabi niyang pacute

"Hoy hindi mo pa ako honey, tumigil ka"

May malaking ngiti na sumilay sa labi niya sabay taas-baba ng kilay

"Pa? Kailan mo ba kasi ako sasagutin?" Tukso niya na pinapaliit ang mata

"Ewan ko sa'yo" natatawa kong sagot sa kanya at dahan-dahang naupo nang maayos

Lumalaki na ako at ang tiyan ko, halatang-halata na buntis na talaga. Tahimik akong tumingin kay Blake na papunta sa kusina, nililigawan niya uli ako simula dumating kami sa condo niya pagkatapos magpacheck-up. May nararamdaman talaga ako para sa kanya pero hanggang gusto lang, gusto ko siya pero hindi ko siya mahal. Gayunpaman, pakiramdam ko nahuhulog na ako sa kanya kaya hindi imposibleng hanggang gusto lang.

Kahapon birthday ni nanay, kumain lang kami sa isang restaurant pero ko hindi nakita si Zrage, pagkatapos nung nangyari sa opisina niya hindi ko na siya nakita. Mabuti na rin 'to para makalimutan siya at ang nararamdaman ko para sa kanya.

Napatingin ako sa phone kong nag-r-ring at agad ko 'tong sinagot nang makita ang caller ID.

"Hi best friend" masigla kong bati sa kanya

"Hi, namiss ko boses mo. 'Yung kamay ko wala nang maakbayan" nalukot ang mukha ko at maya-maya pa ay napangiti

"Napatawag ka Dew?"

"Gusto sana kitang yayain kumain sa labas o nood ng sine. Dating gawi? Kung ayos lang sa'yo"

"Talaga? Siyempre naman, kailan?" Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya na para bang nabunutan ng tinik

"Ngayon sana. Wala ka bang lakad?"

"Wala naman, itext mo na lang address sa'kin"

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon