31

8.9K 165 49
                                    

Hi! This is edited! I just put the lyric video of the song. Please listen to it while reading the part where he sings. Thank you! Sorry ngayon ko lang nalagay dahil ngayon lang nagkaroon ng matinong signal, ilalagay ko dapat 'to pero nagkataong mahina ang signal. Enjoy reading


Summer

"Daddy, hindi ko nga alam okay? Malay ko bang asawa pala ni Summer si Z, ni hindi niyo nga ako sinabihan na kasal na pala sila. And what? Mas nauna pa akong nagbakasyon sa resort nina tito kesa sa pagpaparty ko. Like it's already been weeks after I planned that party!"

"Kahit na pumatol ka pa rin" galit na sabi ni tito

Kanina pabalik-balik nang lakad sa harapan namin. Nasa suite kami ngayon ng hotel, nag-uusap sa nangyari kagabi

Hindi nga niya alam na mag-asawa kami, nalaman niya lang nung nagpaparty siya kaya kahit anong gawin nila tito tapos na. Nahihilo lang ako sa kanilang dalawa.

"Nay, tito. Pwede na ba akong lumabas? Nahihilo lang ako atsaka wala naman po 'to sa'kin. Gaya nang sinabi ko kagabi si Blake ang ama ng anak ko. Para sa'n pa po 'to?" Diretso kong tanong sa kanila

Halos sabay silang napatingin sa'kin maliban kay kuya na kanina pa nakatingin. Isa pa 'to kaya gustong-gusto ko nang umalis.

"Iha"

"Aalis na po ako"

Bago pa tuluyang mahawakan ni kuya ang kamay ko ay mabilis akong tumayo at nagpaalam sa kanila maliban sa kanya, na hindi ko naman ginagawa

"Anak si Zrage" napabuntong-hininga ako sa sinabi ni nanay

"Kuya" paalam ko nang hindi siya tiningnan bago tuluyan nang lumabas

Dumiretso agad ako sa cottage kung saan nandoon sina Red, siya lang ang naiwan dahil naligo na ang ibang kasama namin

"Ba't mo 'yun ginawa?" Napatingin ako sa kanya bago kinuha ang isang buko at ininum 'to

"Ang?"

"Kagabi"

"Bakit naman hindi?" Balik kong tanong ko

"Alam mo bang may namamagitan sa kanilang dalawa?"

Muntikan akong mabilaukan atsaka agad na inilapag ang buko sa lamesa

"Dati lang naman pero mas mahal kita eh kaya sasabihin ko na sa'yo" bumuntong-hininga siya bago tumingin sa'kin

"Naging sila simula nung highschool pero nagbreak rin nung pumunta si Hannah sa ibang bansa, kaya ayaw na ayaw kong magkasama sila dahil alam kong mahal pa ni Hannah ang unggoy at ayaw kong makita kang masaktan pero mukhang bale wala rin pala"

Nanghina ako bigla sa narinig, at maya-maya pa ay wala sa sariling napangisi. Kaya pala ibang-iba ang pagkalapit nila sa isa't-isa. Sila naman pala ang tunay na para sa isa't-isa, ako lang 'tong nakikisawsaw.

Iba ang ngiti ni Hannah sa tuwing nandirito si Zrage at ang reaksyon niya nang malamang si Zrage ang asawa ko. Ba't hindi ko man lang nalaman, ganito na ba ako kahuli sa lahat. Baka malaman ko na lang na hindi ako anak ni nanay. Napangisi ako sa naisip ko.

"Summer my lover" mahinang pukaw niya sa atensyon ko bago ko naramdaman ang braso na yumakap sa'kin

"Hindi ko 'to gustong sabihin pero sasabihin ko na bago pa tumagal. I really like that douchebag for you not because he used to be my friend but I like Blake the most" may maliit na ngiti ang lumabas sa labi nang marinig ang huli niyang sinabi.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon