Note: This chapter contains scenes that are not suitable for young audiences or readers who are not mature enough to read this (kasali na ako dito kasi i'm still a kid no kidding). Again, this chapter is kinda awkard for me while writing kasi nga hindi pa po ako sanay na ganitong genre but hope you'll like it
Summer
"Huwag ka nang magpapagod ha dahil dalawa na kayo. Diba baby?"
"Opo" nakangiti kong sagot sa kanya
"Sum-Sum huwag na huwag kang ma-stress. 'Yung kinainan mo rin huwag mong ibigay sa iba dahil maaantok ang kawawang nabiktima mo" Paulit-ulit na niya 'tong pinapaalala sa'kin magmula nung nalaman naming buntis ako
"Opo sir. Pa'no? Salamat po sa pagsama sa'kin at sa mga payo"
"Tawagan mo lang ako" tumango ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa gate atsaka siya kinawayan. Hinatid ko pa siya ng tingin tsaka pumasok sa bahay.
Pumunta kami sa kapatid ng asawa ng ate ni Dew dahil nagkataong OB ito. Nagpatingin kami sa kanya at nalaman naming tatlong linggo na akong buntis. Balik daw kami every month para mabantayan si baby.
Buti na lang at sinamahan ako ni Dew pagkatapos ng trabaho niya kanina na pinaghintay ko pa dahil alas-sais na 'ko pinauwi ni Zrage.
Kahapon pa ako inis na inis sa kanya nang makauwi kami galing sa resort. Naiinis ako sa mukha niya, at sa boses niya. Lahat na may kinalaman sa kanya.
"Wife" bahagya akong napatalon nang marinig ang boses ni Zrage.
Hinawakan pa niya ang bewang ko at marahang pinisil. Gumalaw ako nang kunti pero hinigpitan niya lang ang hawak sa'kin
"Zrage? Nandiyan na ba si Summer?" Rinig kong tanong ni Nanay mula sa kusina
"Yeah, she's here" sagot niya bago ako dinala papunta sa kusina.
Nalukot ang mukha ko nang maamoy ang hinindang pagkain ni nanay. Ang sang-sang ng amoy at tumutusok talaga sa ilong.
"Kain na tayo"
"Nay, tapos na po akong kumain" pigil hininga kong tanggi sa alok niya
"Nagluto pa naman ng mga paborito mo, ang nanay"
Huminga ako ng malalim atsaka pinigilan ang pag-amoy. Pakiramdam ko binaligtad ang sikmura ko.
"Hindi na po talaga. Kayo na lang. Sige po, magbibihis na'ko"
Mabilis kong sagot kay tito sabay alis sa kamay ni Zrage na nasa bewang ko. Narinig ko pa ang pagsabi ni tito na dito sila matutulog. Dumiretso ako sa banyo ng kwarto ko at sumuka. Pati kinain ko kanina nailuwa ko. Nanghihina akong bumalik sa kama at kumuha ng damit.
Nai-iling ko ang ulo ko nang maalalang kinuha ni nanay ang mga damit ko rati at nilagyan ng bago pero nandito pa rin naman ang pjs ko at iilang tee.
Pero nakapakunot ang noo ko dahil wala na akong makitang pjs at tee sa walk-in-closet ko. Pati sa drawer na sekreto kong pinagtaguan kung sakaling kunin niya tulad ngayon. Imbes na pjs at tee, puro nighties na ang nandito. Walang iba maliban sa mga dress ko na siya mismo ang naglagay din dati.
"Nay, ano ba 'tong ginagawa mo?" pabulong kong tanong sa sarili bago pumunta sa banyo para magbubble bath.
Pagod na pagod na ako para magreklamo pa sa ginawa niyang make-over sa closet ko.
Tama nga si JK, busy sa opisina ni Zrage maski pagbili ng kape at pagkain inuutos niya pa. May mga pumupunta ring kliyente na gusto siyang kausapin at handa siyang bigyan ng malaking pera para mauna lang sila na hindi niya naman sinasagot kahit harap-harapan na siyang minumura. Akala ko pa hindi siya minumura dahil sa mga papuri sa kanya. Pero harap-harapan pala at sinusugod pa siya kahit na hindi pwedeng pumasok lalong-lalo na ang mga kliyente niyang gustong-gusto ang kompanya ang magdadala sa kompanya nila.
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Husband
General FictionSapat na ba ang pagmamahal mo sa isang tao para hindi sumuko? O sapat na ang mga sakit na nararamdaman mo para sukuan ang taong mahal matagal mo nang mahal? Meet Summer who's secretly in love with her brother turned out to be her husband. You will...