14

11.4K 260 17
                                    

Summer

"Ayos ka lang Summer?" Nag-aalalang tanong ni Wade sa'kin habang hinahagod ang likod ko

Sasagot sana ako sa kanya nang magsuka uli ako. Pinahiran ko ang labi ko at nanghihinang tumayo.

"Iuuwi na lang muna kita" tumikhim ako at tiningnan siya

"Ayos na 'ko, tinamaan lang ako ng airsickness" tinaasan niya lang ako ng kilay at ngumiti naman ako sa kanya

"Sige. Tayo na, baka mabagot na yung loko sa loob ng van"

Paglapag agad ng helicopter ay nasusuka na ako kaya naman pagbaba ko ay sumuka na ako. Sanay naman ako sa pagsasakay sa eroplano pero ito ang unang pagkakataon na sumakay ako sa isang helicopter. 'Di lang siguro ako nasanay.

Dalawang helicopter ang sinakyan namin, kami ni Wade at sina JK naman at Zrage. Nasa isang restaurant kami ngayon para mananghalian na inabot na ng meryenda. Alas tres na nang hapon at hindi pa kami nakakapunta sa lugar kung sa'n itatayo ang isang hotel nila.

Diretso na agad kami sa lugar kung sa'n itatayo nila ang hotel pagkatapos naming kumain. Malayo-layo rin ang ibiniyahe namin dahil na rin sa traffic.

Nilabas agad ni Wade ang dala-dala niyang attaché case paglapit niya sa mga engineer at may tinatanong dito at sinasabi habang si Zrage naman ay kahit alam kong iba ang pakiramdam ay tinitingnan ang lugar at nakikinig din sa usapan nina Wade.

Hindi rin kami gaanong nagtagal at umuwi na sakay sa helicopter na naglanding sa may rooftop ng kompanya. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang view, yung makikita mo ang mga ilaw sa baba lalong-lalo na ang mga sasakyan na umaandar. Iba ang nasa taas pero mas iba rin kung nasa baba ka at kitang-kita mo ang lugar, walang harang.

"Summer, sabay ka na lang sakin" napalingon ako kay JK na palapit sakin

"Makakaabala pa ako sayo" sagot ko sa kanya sabay lapit. Sabay na rin kaming pumasok sa elevator at pinindot ang ground floor at basement

"Hindi naman"

"Salamat na lang JK ha, pero may pupuntahan pa kasi ako"

"Ganun ba, makakabawi na sana ako sa'yo eh" napangiti lang ako sa kanya at tiningnan ang mga numero sa elevator pababa

Pumara agad ako ng taxi papunta sa bahay ni Zrage. Hindi muna ako matutulog sa bahay namin kahit yun naman talaga ang plano ko dapat -kunin ang jacket ni Blake tapos babalik sa bahay namin- pero di ko magawa dahil nag-aalala ako kay Zrage. Siya lang naman mag-isa sa bahay kung 'di niya maisipang dalhin ang girlfriend niya.

Dahan-dahan akong pumasok sa bahay atsaka nagluto agad ng sopas habang inilagay sa washing machine ang jacket ni Blake, buti na lang at hindi niligpit nina manang nang maglinis sa bahay. Inilagay ko rin sa may vase ang binigay na bulaklak ni Wade.

Naglinis na rin ako at nagbihis habang hinihintay maluto ang sopas. Saktong pagbaba ko ay luto na rin. Inilagay ko sa tray ang isang mangkok na sopas, tubig at gamot niya at pumunta sa kwarto niya.

Kumatok pa rin ako bago pumasok.

"Zrage" halos pabulong ko nang sabi bago nilagay sa bedside table ang tray at umupo sa gilid ng kama niya

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot-noo niyang tanong, napabuntong-hininga ako sa tanong niya

"Inumin mo na 'tong gamot"

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon