51

2.5K 67 20
                                    


Summer

Hindi ko sila magawang tingnan. Ang mga taong akala ko ay pamilya ko ay siya ring sumira ng tiwala ko.

Magkaibigan sina Tatay at Tito kaya nang mawala siya ay tinuloy na nila ang planong pagpapakasal sa'min ng anak niya. Sa dinami-daming pwedeng gawin ay ang magsinungaling pa sila sa'kin. Natatakot silang magalit ako, hindi na nila naisip na pwedeng mawala pa ang tiwala ko sa kanila.

Madali lang akong pakiusapan kung sinabi lang sana nila ang totoo. Pwede akong hindi pumayag, lalo pa't wala naman pala talagang problema sa kompanya namin. Ang problema ay nasa pag-iisip nila na maaari akong masaktan na ginawa na nila, hindi pa nagsisimula ang kasal namin ni Zrage, nasaktan na nila ako sa pekeng kasal nina Tito.

Nangangatog ang tuhod ko kahit na ay nakaupo lang ako pati ang labi ko ay nanginginig. Galit at poot, ito na lang ang nararamdaman ko habang nakaupo sa gitna ng mga taong sumira sa pagkatao ko.

"Nay, sa-" humugot ako ng malalim na hininga at nakagat ang labi

Hindi ko kayang magsalita

"Salamat po" mabilis kong untag sa kanila habang nakatungo

"Salamat po sa lahat, kahit masakit. Kahit paulit-ulit niyo akong sinaktan, dinurog niyo ang puso ko ng madaming beses. Kahit winala niyo na ang tiwala ko, binuo niyo pa rin ako. Binigyan niyo ako ng lakas ng loob nang harapin ang lahat ng 'to. Nawalan man ako ng tiwala, pinunan niyo naman ako na ng mga aral" tinaas ko ang tingin ko sa kanila

Mabigat man sabihin ang lahat nang 'to, mas bibigat pa 'to kung hindi ko 'to papakawalan

Napapikit ako nang bigla akong yakapin ni nanay at sinundan pa ng isang pares ng braso. Paulit-ulit na humihingi ng tawad kasabay ng paghalik sa sentido ko. Ninamnam ko ang sandaling 'to dahil alam kong hindi na 'to mauulit.

Minulat ko ang mga mata ko at ang malalim na mata ni Zrage ang agad kong nakita. Kita sa mukha niya ang pagkakulang sa tulog, para siyang pinagkaitan.

"Tito, nanay. Tama na po, nasasakal na ako" walang buhay kong sambit

Iba man ang tinutukoy ko, hindi pa rin sila humiwalay sa yakap

"Anak" sabi ni nanay sa halos pausang boses

"Dahil sa inyo natutunan kong huwag magtiwala uli, nang basta-basta dahil kahit pamilya mo kaya kang saksakin sa likod at pag-isahan. Ang lakas-lakas ko na ngayon, tinuruan niyo ako pa'no."

Dahan-dahan kong kinalas ang braso nila at tumayo.

"Sana po ay huwag niyo akong sundan. Magsisimula uli ako, tatayo sa sarili kong mga paa."

Tumalikod ako sa kanila at mapait na napangiti, hindi talaga sila sumunod. Natuto na sila. Malalaki ang hakbang ko na umakyat sa kwarto namin ni Zrage, naupo agad ako sa kama at wala sa sariling napatitig sa kawalan.

Buong buhay ko akala ko ay malaya ako, naging mabuting anak naman ako. Sunod nang sunod sa gusto nila. Hindi nagkulang sa pagmamahal, binusog nila kanan at kaliwa.

Ngayon ko lang nalaman kung bakit may mga taong ayaw magpakabait at mas pinipiling maging suplada. Ngayon ko lang naramdaman na inabusado nila ang pagpapakabait ko. Mas mabuti pa sigurong naging suplada ako kung alam ko lang na ang pagiging mabait ko ay hindi mabuti sa'kin.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo at nakatitig lang sa kawalan nang may matitipunong braso na yumakap sa likuran ko. Rinig ko ang hikbi niya habang tumataas-baba ang balikat na nalapat sa likod ko. Sinisiksik ang ulo niya sa likod ko gaya ng pagpupumilit niya uling pumasok sa puso ko.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon