11

13.5K 230 12
                                    

Summer

Nagising ako nang maramdamang may sumusuklay sa buhok ko. Dahan-dahan lang na akala mo'y babasagin 'to, ang sarap lang sa pakiramdam. Napangiti ako at dahan-dahang binuksan ang mga mata, agad na nanlaki 'to nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Inayos ko agad ang kumot sa katawan ko at umupo ng maayos pero 'di ko magawa dahil masakit ang buong katawan ko. Biglang sumakit ang ulo ko at pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko.

"Sum-Sum, mag-ingat ka naman" inalayan niya akong umupo ng maayos bago sinandal ang likod ko sa headboard ng kama.

Bigla akong nakaramdam ng lamig at nakita ang mga damit ko sa may bedside table. Sa pangalawang pagkakataon, nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumiti, at namula agad ako.

"D-dew" nauutal kong sambit sa pangalan niya.

Hindi ko na alam kung bakit pero nakaakap na siya ngayon sakin habang hinahagod ang likod ko. Hawak-hawak ang laylayan ng damit niya habang basa na'to, hindi parin niya ako sinasaway. Patuloy parin ako sa pag-iyak. Hindi siya umiimik.

"Ang tanga ko! Bumigay agad ako! Ang ta-" kumalas siya sa yakap at pinutol ang sasabihin ko nang inilagay ang kamay niya sa bibig ko. Napahagulhol uli ako habang pinapahiran naman niya ang luhang lumalabas sa mata ko.

"Hindi, hindi ka tanga. Tanga siya dahil hindi ka man lang hinintay na magising at makita ang maganda mong ngiti pagkagising mo. Pinabayaan ka lang niya"

Inalis niya ang kamay niya sa bibig ko atsaka hinawi ang ilang hibla ng buhok ko.

"Huwag ka ng umiyak, nilalagnat ka na nga oh. 'Pag ayos ka na pwede ka ng umiyak" nangiti man, nagulat ako sa sinabi niya. Napahawak ako sa noo ko at napadaing sa init nito.

Natigil ako sa pag-iyak at nakagat ang ibabang labi para mapigilan ang paghikbi at mapaiyak na naman. Natingin lang ako kay Dew na kinuha ang gamot mula sa gilid at pumwesto para ipa-inom sa'kin. Dali ko naman itong ininom kasama ang tubig na binigay niya.

"Hindi mo yata nakayanan" natatawa man siya, kita sa mukha niya na hindi siya masaya

"Ano?"

"Wala, sa labas lang muna kako ako. Magbihis ka muna" nakangiting sabi niya. Bago pa siya tuluyang makalabas tinawag ko siya.

"Salamat" nakangiting sabi ko sa kanya na sinuklian din niya ng isang ngiti

"Wala yun, sige na, baka mas lalong tumaas lagnat mo" sabi niya bago sinara ang pinto.

Masakit man ang buong katawan ko, pinilit ko paring kayanin ang pagtayo at paglinis ng katawan. Halos mag-iisang oras din ako sa bathtub bago kinuha ang damit na sinuot ko papunta dito dahil na tuyo na.

Pinalitan ko na rin ang bedsheet dahil sa dugong na mantsa dito. Naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi.

Iika-ikang naglakad ako palabas sa kwarto at sinalubong naman ako ni Dew sa labas. Inalalayan niya akong maglakad, sa totoo lang nahihiya na ako sa pinaggagawa niya sa'kin. Dinala niya ako sa kusina na siyang kinagulat ko nang may pagkain ng nakahanda. Natakam tuloy ako bigla. Pinaghila niya ako ng upuan bago tumabi sakin.

"Pinakaelaman ko na ang kusina at nagluto na ako. Sana okay lang sayo"

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi naman ako ang may-ari nitong cottage. Ano kaya magiging reaksiyon nito kung malaman niyang kay Zrage. Sumubo naman ako ng kanin at omelette na luto niya. Mag-aalas dos na omelette pa rin ang naluto. Napangiti na lang ako.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon