55

2.8K 80 24
                                    

Summer

"So-" isang malakas at malutong na sampal uli ang binigay ko sa kanya

Nanginginig na ang buong katawan ko. Ito na ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.

"Wala ka ng kahihiyan Hannah" umuusok na ako sa galit. Nakakuyom ang kamao.

Para akong biniyak mismo sa harapan niya. Iyak lang siya nang iyak. Tumayo ako at handa ng tumakbo palabas nang may gana pa siyang pigilan ako at pinaharap sa kanya.

"Nagmahal lang naman ako Summer" nakagat ko ang labi ko ng madiin sa sinabi niya

"Kung nagmahal ka man, ikaw na ang pinakamababang magmahal. Kung anong ikinataas mo sa trabaho mo, mababa naman ang pagkatao mo" bawat salita ay may diin kong bitaw

"Huwag mong idamay ang trabaho ko rito, Summer. Lalo na ang pagkatao ko" tiim-bagang niyang sagot

Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo bago umiling. Wala akong mapapala sa lasing.

"I stooped so low that I let myself be drowning. I wasted a fucking million just to bought that baby robot to make you believe that it's real. That she's your child. I did everything to gain weight and be cancelled by leading agencies because of their perfect body obsession to please everyone."

Hinarap ko ang lahat ng matatalim niyang tingin sa'kin. Walang nagpatinag sa'ming dalawa. Pilit ko pa rin na kinakalma ang sarili ko.

"Kung hindi mo lang kasi sinabi-sabi na buntis ka nun, edi sana makukuha ko uli si Zrage. I didn't have a choice but to say that I'm pregnant too, to get his attention. Good thing we fucked hard in the resort and that made my excuse. Pabibo ka kasi!" Singhal niya bago ako dinuro at tinulak ang balikat ko

Inisahan ko pa siya ng nakakadiring tingin at tuluyan ng tumalikod sa kanya. Nakakadalawang hakbang palang ako nang mapaigtad at mapaigik. Kumulo ang dugo ko sa ginawa niyang paghila ng buhok ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.

"Putang-ina mo" mura ko sa kanya at ginantihan siya ng sabunot

Hinablot niya rin ang buhok at nagsimulang hilahin ang hibla ng buhok ko. Sobra na siya, puno na ako. Wala na akong dapat itago, wala akong dapat na ikahiya. Kung may mahihiya man ay ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Aray! Tama na Summer" iyak niyang sigaw pero hindi pa din ako tumigil sa pagsabunot sa kanya

Anit na kung anit, hindi ang pinsan ko ang nakikita ngayon kundi ang babaeng walang puso na dapat kalbuhin.

May nakakakita na sa'min, ang iba ay umaawat ang iba ay natuwa pa. Walang tigil ang pag-iyak niya habang madiin kong hinihila ang buhok niya

"Summer!" Napahinto ako saglit sa ginagawa ko

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang sabunot sa kanya. May pares ng braso na humila sa'kin habang hawak ako sa may bewang at tinaas ang paa ko sa pagkakatayo sa sahig.

"Summer, ano bang nangyayari sa inyo?" Saway niya sa likod ko

Binaba niya ako at hinarap sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko, pinapakalma.

"Tanungin mo ang leche mong pinsan" gigil kong sagot kay Red at hinarap si Hannah na ngayon ay basang-sisiw

Nakaupo siya sa sahig na kalat-kalat ang make-up at magulo ang buhok, suot ang gusot na niyang damit. Kinuha ko ang bote ng alak na nasa center table atsaka binuhos ang laman sa babaeng hindi ko na makilala.

"Bagay sa'yo ang magmakaawa" madiin kong sabi sa kanya bago malakas na binagsak ang wala ng lamang bote sa gilid niya. Pira-pirasong nabasag ang bote na pumalibot sa kanya ang bubog.

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon