Chapter 20
stormMadilim na nang marating namin ng uber driver ko ang address na sinend sakin ni Jane. When I looked around, I immediately asked myself why I didn't bother to call her with my remaining battery kanina.
"Kuya, sure po ba kayo na ito yung address?" Tanong ko sa driver ng makitang wala naman bahay dito and sobrang madilim na ang lugar. Tanging ang ilaw lang sa isang billiards or sports bar ang nakikita since it's already late.
"Opo, ma'am. Kung gusto niyo po, icheck niyo na lang po sa phone niyo kung tama itong napuntahan natin," sabi naman ni Kuya.
Tumango na lang ako at binigay ang bayad sakanya. I suddently felt nervous and I don't know why. Wala ako macontact since nalowbatt ang phone ko at hindi ko naman nasabi kay Max kung nasan ako. Ang huling sinabi ko lang ay pupuntahan ko si Jane.
Bumaba ako ng car at nag-simula na maglakad papasok sa place kung saan ako tinext ni Jane. Why is she here? At bakit naman siya sasama, kung ganito kadelikado ang itchura? The aura of this place is making me anxious but I still pushed the door because I know Jane is there.
Pag-pasok ko ng bar, smoke immediately filled my nostrils making me cough. Puro smoke galing sa cigarettes ang nasa paligid to the point na maging puti na ang lahat. Maingay din ang music pati ang boses ng mga lalaking nag-lalaro. Sobrang daming tao as if it's a night club.. but this time puro lalaki. I'm not judging them but by the looks of it, they all look like goons or like a fraternity group.
I searched for Jane in the sea of people pero wala ako makita. Tumitingin ang mga lalaking malalaki sakin pero I remained unbothered even though the place is already creeping me out big time. Nagpa-tuloy ako maglakad hanggang sa makita akong room.
Binuksan ko ito at nakitang nandon sila Enzo, kasama ang complete niyang barkada. When they acknowledged my presence, agad silang tumigil sa ginagawa nila.
"Where's Jane?" I asked habang pumasok. They all looked at me pero agad kong hinanap si Jane.. at wala siya dito.
"Oh, Ria Adelson! You're here.." naka-ngising sabi ni Enzo. Inirapan ko agad siya and folded my arms.
"What do you want? Where is she?" Naiirita kong tanong. Tumingin lang sila sakin at tumawa, pag-katapos nun ay narinig kong sinara ang pintuan sa likod ko kaya ako napa-talikod. Tinignan ko ang lalaking nag-sara ng pinto at tinaasan siya ng kilay. What are they doing?
"Oh, andito ba siya?" Enzo asked me, halatang nang-aasar. "Alam ko kasi... ikaw lang ininvite namin eh.."
Nanlaki ang mata ko sakanya at tumingin ulit sa door na ngayon ay nilock na ng lalake dun. Agad ako kinabahan since they are like 15 guys in this room, at ako lang ang nag-iisa. It's so closed and dark to the point na hindi ako makahinga.
"What are you doing?!" I hissed. Tumawa lang si Enzo pati ang mga kaibigan niya at nag-simulang lumapit sakin ang iba. Napa-atras ako pero agad kong naramdaman ang pader sa likod ko.
"Stop being a bitch, Ria. You're in our territory, wala kang laban.." sabi ng isang lalaki sa gilid and I shot him a glare. Is this all a set up? Anong nangyayari, at bakit wala si Jane dito?
"WHERE IS JANE?" I shouted, galit na galit dahil unti unti ko ng narerealize na niloko nila ako. They used Jane for me to come here.
"Wala nga siya dito! Tanga ka because you fell for it!" Sigaw naman ni Enzo pabalik. He signaled his friends to come closer to me para pumunta sa harap. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at agad akong kinabahan. They are too many, and I can't outrun them.. hindi rin ako makakalabas dahil nilock nila ang pinto.
BINABASA MO ANG
The Most Beautiful Thing
RomanceWell I guess for me, I'll love her even still. With all the uncertainties and doubts, I'll love her more. (Limjuaco Series, #1)