Tulala lang akong nakatingin sa taong nasa harapan ko ngayon.Bakit sa lahat ng araw ngayon pa siya napakita?
"Why are you here?" pagalit na tanong ko sa kanya.
Sasagot na sana siya ng unahan siya ng isang malamig na boses mula sa likuran niya. Bigla akong nanghina at tinakasan ng lakas.
"She's with me, any problem?" he said irritately.
Hindi ko maigalaw ang katawan ko at kahit gusto kong sumagot ay hindi ko na magawa.
Hindi pwede ang ganito! Hindi ako pwedeng magpaapekto.
"Why?" Tanging nasabi ko. Konti nalang ay matutumba na ako sa kinatatayuan ko kaya't mahihpit akong napahawak sa doorknob para pangsuporta.
"Stop asking, get off your fucking presence here" wala naman akong ginagawa pero ganito padin siya kung sumagot sakin. Nabaling ang atensyon ko sa babaeng kasama niya at kitang kita sa mukha nito ang pagngisi while she's gently putting her hand on my husband's arm.
Pinulot ko ang bulaklak na nahulog sa sahig at hinarangan ang mga ito.
"Hon! Para sayo pala" itinapat ko kay Clint ang mga bulaklak at umaasa na tatanggapin niya ito. Para akong highschool teen na umaamin sa crush niya.
"I don't need that kind of shits!" sigaw na sabi nito sakin, pero nagmatigas ako at hindi umalis sa harap nila.
"Happy 7th monthsary" I said while smiling to him. Am I stupid? Ang hirap ngumiti ng nasasaktan! Kung may awarding lang para sa mga martyr, top 1 siguro ako.
Bahagyang nahagip ng mga mata ko ang titig na pinupukaw sakin ng babae niya. Napansin ko ang paglandas sa mga mata nito ang kaunting awa. Para saan?
Binalewala ko nalang iyon dahil matagal ko ng kinalimutan na naging kaibigan ko siya.
"Get out of my sight Ivory, bago pa ako mawalan ng kontrol sa sarili ko" he said in a warning tone. But I don't want to give way dahil ayokong tumuloy sila kung saan man sila pupunta.
"Bingi ka ba Ivory o sadyang nagbibingihan ka lang? Get out of our sight kung ayaw mong magalit si Clinton sayo" mataray at may pagkamalanding sabat ni Claire.
"No! Sino ka para pumunta dito sa pamamahay namin? Baka nakakalimutan mo na kabit ka lang ng asawa ko" matigas at naiinis na sagot ko sa kanya.
*PAK*
"Don't ever call her like that. Dahil sa inyong dalawa ikaw ang kabit remember that. Kasal lang tayo sa papel Ivory, I will never treat you as my wife"
Ang manhid ko na ba? Hindi ko na nga alam kung saan ako nasasaktan e, kung sa sampal ba o sa mga salitang ibinabato niya sa akin.
"Bakit Clint?" kahit alam ko na ang isasagot nito ay tinanong ko parin, mahirap ba akong mahalin?
Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay tinulak niya lang ako dahilan para tuluyan akong matumba at makaalis sa pagkakaharang sa kanila. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan sila papasok sa kwarto niya.
Umiyak lang ako doon habang paulit ulit paring pumapasok sa isip ko ang mga salitang sinabi niya.
Ang sakit! At Ilang ulit ko na bang tinanong sa sarili ko?
May pag asa bang mahalin niya ako?
Hindi man lang niya napansin na nag effort ako para sa monthsary namin. Akala ko dahil dito makikita na niya ang mga ginagawa ko para sa kanya pero nagkamali ako, dahil kahit ano atang gawin ko ay wala lang para sa kanya.
Hindi ko parin matitimbangan si Claire sa puso niya. Una palang ay talo nako. Kahit anong gawin ko, sa aming dalawa, si Claire ang panalo.
"A-ah Clint!"
![](https://img.wattpad.com/cover/127848712-288-k822110.jpg)
BINABASA MO ANG
VENGEFUL SOULS
RomansaAre you ready to face the reality? Handa kana bang mabugbog at ibasura ng taong pinakasalan mo? Kaya mo bang balewalain ang mga suntok, tadyak at sampal nito manatili lamang siya sa tabi mo? Kaya mo bang tapusin ang pagkakamaling sinimulan mo? Ivor...