Ivory POV...
Nagising ako na may yumayakap sakin kaya agad akong napabalikwas ng higa at tinulak ito palayo.
*BOOGSH!*
"A-aww" nanlaki ang mga mata ko ng marealized na si Tan iyon.
"Omaygash Tan!" tumayo ako sa pagkakahiga at mabilis siyang pinuntahan na ngayon ay nasa sahig na.
"Ahm hehe sorry akala ko kung sino y-yung yumayakap sakin"
"It's okay aw" tinulungan ko siyang tumayo at inalalayan pabalik sa kama, halatang nasaktan talaga kasi medyo malakas pagkaka tulak ko sa kanya hays kasi naman Ivory! Siya na nga nagpatulog sayo at sinamahan ka na nga't lahat lahat tas ganyan pa igaganti mo sakanya.
"S-sorry tan hindi ko sinasadya" kinakabahang sabi ko habang tinitignan siya.
"Yeah it's okay" tipid na sagot niya bago humiga ulit.
"T-tan galit ka ba?" natural galit siya Ivory ikaw ba naman ang itulak ng ganon kalakas sinong di magagalit sige nga? Natuluyan na ata ako kinakausap na ako ng sarili ko uwaaaa!
"Hmm no" I know he is. Niyakap ko nalang siya at nirest ang ulo ko sa dibdib niya. Napangiti naman ako dahil naririnig ko ang pintig ng puso niya.
"Sorry talaga Tan" ilang saglit siyang di kumibo bago tumagilid paharap sakin at niyakap din ako pabalik.
"Let's stay like this for a while" ani nito kaya tumango nalang ako habang nakayakap parin sa kanya.
"Ipagluluto kita anong gusto mong kainin?" tanong ko sakanya.
Naghintay ako sa isasagot nito pero nanatili lang siyang tahimik. Galit ata talaga siya, tumingala ako para tignan siya, mukhang nakatulog ulit siya. Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya at ngayon ko lang talaga napansin na may nunal pala siya sa tungki ng ilong hehe ang cute titigan. Medyo maliit lang kasi kaya hindi gaanong napapansin pero pag tinitigan mo sa malapitan nakaka attract tignan. Ang haba din ng mga eye lashes niya *pout* sana ganon din mga eye lashes ko. Tinitigan ko lang ang buong mukha niya habang nakangiti,,ang gwapo ng best friend ko. Di ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa siyang girlfriend, may special someone daw pero wala naman akong nakikitang kasama niyang babae hays may pagka wierdo talaga minsan.
*ring...ring*
Kinapa ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng ringtone. Letche ang aga aga may tumatawag na naman.
Hindi ko makapa kaya umalis muna ako sa pagkakayakap kay Tan at hinanap kung saan banda ko nalagay.
*ring...ring*
Sinundan ko ang tunog at nakita ko sa ilalim ng side table. Pano napunta dito to? Sa sobrang likot ko atang matulog pati cellphone ko nasisipa ko na.
"Hello?" Tanong ko pagsagot ko dito.
I don't know who's this, unregistered number na naman. Naghintay pa ako ng ilang saglit pero wala atang balak sumagot. Baka pipi? Sana nagtext nalang siya, pero baka nakalimutan niyang pipi siya ngayon niya lang narealizee.
"Who's this? Kung wala kang balak magsalita then I'll drop this ca-"
"Comeback please" bigla akong napatigil sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata. What the hell!
Gusto kong magsalita pero kahit anong gawin ko walang salitang lumalabas sa bibig ko. Teka paano niya nalaman ang number ko? Hindi naman siguro ibibigay ni Kelly. Hate na hate niya kaya to. Number 1 basher nga namin siya eh.
"Hon please, let's talk, let's meet"
"Where?" napatampal ako sa noo ko ng sagutin ko siya! Am I really crazy? The hell Ivory! You're done with him so stop chasing him and following his wants!
BINABASA MO ANG
VENGEFUL SOULS
RomanceAre you ready to face the reality? Handa kana bang mabugbog at ibasura ng taong pinakasalan mo? Kaya mo bang balewalain ang mga suntok, tadyak at sampal nito manatili lamang siya sa tabi mo? Kaya mo bang tapusin ang pagkakamaling sinimulan mo? Ivor...