Pagdating sa bahay ay agad akong dumeretcho sa kwarto para kunin yung annulment papers na itinago ko sa cabinet ko. Hindi nako makapag isip ng maayos dahil sa mga nangyari kanina pero kung ito yung pinanghahawakan at pinagmamalaki niya para sabihin saking asawa niya pa ako, pipirmahan ko na ng sa ganon magtigil na siya. Naghanap ako ng ballpen at mabilis na pinirmihan lahat ng kailangan kong pirmihan.
Napahinto ako nung nasa pinakahuling papel na. This is what I want, I need to do this. Dahan dahan kong pinirmahan ito at halos hindi na ako makahinga dahil sa bigat na dinadala ng puso ko. I closed my eyes after I signed it, it's all done. I'm not an Evans anymore.
Nanlambot bigla ang mga tuhod ko kaya napa upo nalang ako sa sahig. Napatawa ako ng pagak habang tuloy tuloy na naglalandas ang mga luha sa mukha ko. After many years of loving him, after I gave everything, after all my sacrifices. Ganito din pala ang magiging katapusan, dito din pala matatapos.
I cried and i let myself to stayed like this, I let myself to love him dahil huli na to, after this magbabago na ang ikot ng mundo ko.
Kahit gaano mo pala kamahal ang isang tao, darating sa puntong mapapagod ka, darating sa puntong susukuan mo siya. And I've realized kung gaano ako katanga para ipaglaban ang taong never akong pinahalagahan. He never treated me as his wife. He never treated me as a woman. He never cared about me. Marerealized mo lang lahat talaga kapag natuto kang kumawala, makikita mo lang ang lahat ng mali kapag natutunan mo ng mahalin ang sarili mo.
Pinaasa niya ako sa pagmamahal na hindi naman totoo. Action speaks louder than voice, hindi sinungaling ang puso. Hindi nagsisinungaling ang pagmamahal. Pero nagiging bobo at tanga ito sa kanyang minamahal. Kahit anong ulit mong pagsabihan, hindi mo pa rin madiktahan. Sinaktan ka na't lahat lahat, minamahal mo pa rin ng tapat.
Napangiti ako ng mapait ng biglang mag flashback sa utak ko yung panahon na nagpapanggap kami. Ang saya kahit hindi totoo, pero yung saya na yon panandalian lang. Dahil walang kasinungalingan na nagtatagal. I still memorized the angel of his face, his muscular body, his smells, his touches, and his kisses. I smiled bitterly while reminiscing our short time memories. I wanna say this words to him, 'mahal pa kita pero ayoko na.'
I stand up and went to my bed, I felt tiredness again. Everytime na nakikita ko siya, nakakalimutan kong panindigan ang sarili ko. Bumabalik ako ng paulit ulit, kaya bumabalik din yung paulit ulit na sakit. But now, I already wrote the end of our story. I'm not belong to him anymore.
*tok...tok...tok*
Napabalikwas ako at napatayo bigla ng maalala kong nasa baba pa pala si Tan. I almost forgot him!
Dahan dahan kong binuksan ang pinto habang nakayuko sa kanya. Parang hindi ko kayang humarap sa kanya na ganito yung itchura.
"Are you okay Fel?" Halata sa boses nito ang pag aalala kaya inangat ko ang ulo ko tumingin sakanya. I will be okay, but not now.
"Sorry I almost forgot you Tan"
"It's okay, magpapa alam lang sana ako. Just rest, you look pale" tumango naman ako at ngumiti sa harap niya.
"May papakita lang saglit ako" pgpigil ko sa kanya saka pumasok sa kwarto para kunin yung mga papel na nagkalat sa sahig.
Ibinigay ko sa kanya at kunot noo naman niya itong kinuha. Mababakas sa mukha nito ang labis na pagkagulat habang binabasa kung ano ang mga nakasulat doon.
"You already signed it?" Di makapaniwalang tanong nito sakin? Tanging tango at tipid na ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.
Bigla naman niya akong niyakap at pinaghahalikan sa noo. Natawa naman ako dahil sa kakulitan nito. But my eyes become teary, parang kailan lang kasi nung kinasal kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/127848712-288-k822110.jpg)
BINABASA MO ANG
VENGEFUL SOULS
RomanceAre you ready to face the reality? Handa kana bang mabugbog at ibasura ng taong pinakasalan mo? Kaya mo bang balewalain ang mga suntok, tadyak at sampal nito manatili lamang siya sa tabi mo? Kaya mo bang tapusin ang pagkakamaling sinimulan mo? Ivor...