Chapter 44

2.4K 34 0
                                    

Vanish POV...

"Tapos ka na ba? Gago ang bagal mo kumilos" asar na tanong ko kay Levy.

"Yup tapos na. Ikaw kaya dito siraulo"

"Tumigil nga kayo. Send their location to us Levy" pag awat ni Phyxon samin.

"Okay"

"Good" nakangising sagot ko. Naghiwa hiwalay kami para mas mapadali ang paghuli sa kanila. Kung nagtataka kayo paano namin nalaman ito ay dahil may mga gestures kami na si Queen lang ang gumawa. We can understand each other without voice it out or without saying any words.

Naramdaman din naman namin kaya kumilos kami agad. Lagi din naman maaasahan si Levy dahil magaling siya sa mga tracking devices.

"I got him" rinig kong sabi ni Phyxon. May maliit na mic piece na nakalagay sa mga tenga namin. Kung titignan mo ito para lang siyang normal na hikaw, but there's small piece inside of it na si Levy at Hazel ang gumawa. Magaling talaga ang kambal pagdating sa mga bomba at mga computer systems.

"Papunta na sa hideout yung asawa ni Queen. Kasama yung isa pang lalaki" napakunot noo ako ng magsalita si baby Hazel.

"What!? Bakit mo binigay yung lugar?" pagtatanong ni Levy sa kambal niya.

"Stop asking you idiot. Gawin niyo na trabaho niyo" malamig na sabat ni Isha.

Nakita ko ang isang lalaking mabilis na pumasok sa elevator. Pasimple naman akong naglakad at sumunod sa kanya.

Pasipol sipol ako habang pinagmamasdan ang reflection nito sa tapat ko. Napansin ko ang isang kamay nito na may hinahanap sa bulsa kaya mabilis ko itong sinipa sa paa dahilan para mapaluhod siya.

"Woah! Uunahan mo pa ako ah. Sumama ka sakin at di kita sasaktan" I said habang tinututukan ito ng kutsilyo sa leeg.

"Sino ka?" tanong nito kaya binigyan ko lang ito ng pamatay na ngisi.

"Sa gwapo kong to di mo ako kilala?" I answered in chorus.

"Tangina kapal mo tol" sigaw ni Phyxon sakin mula sa kabilang linya.

"Hi baby Xon I miss you" pang aasar ko dito. Umarte naman ito na parang nasusuka.

"Dalhin niyo na sa hideout ngayon na" utos ni Isha samin.

"In the mparking lot" I said bago ko hampasin sa batok tong mokong na to.

Pagdating ko sa parking lot ay nadatnan kong bitbit na nila ang mga  lalaking nahuli nila.

"Woah! Kawawa sayo yang hawak mo Lev bugbog sarado" natatawang sabi ni Phyxon.

"Nanlaban eh so I have no choice kundi bugbugin siya" chill na sabi nito. PSH! Yabang mas gwapo naman ako.

"Itali niyo na mga yan" utos ko sa kanila. Nginisihan lang ako ng mga bugok sabay binitawan sa harap ko ang mga hawak nilang lalaki.

"Gago ikaw naka isip bat di ikaw ang gumawa" sagot ni Phyxon sakin. Nag apir pa ang dalawa at mabilis na pumunta sa mga sasakyan nila.

"Okay. Paggising ni Queen alam niyo na ang mangyayari"

"Eto na yung tali. Levy tulungan moko bilisan mo gago" napangisi ako dahil nagkandugaga ang mga ito pabalik sa harap ko.

"Oo na tsk blackmailer" reklamo ni Levy sakin.

Pagdating sa hideout ay hinanda na namin ang mga gamit na pang torture sa kanila.

Binuhusan ni Phyxon ng malamig na tubig ang mga ito dahilan para magising sila sa kanilang mahimbing na tulog.

"Time to wake up idiots" I said habang pinagmamasdan sila isa isa.

VENGEFUL SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon