Chapter 37

3K 46 17
                                    

Claire's POV...

"Mga hangal kayo! Diba sabi ko sa inyo patayin niyo siya!? Anong ginawa niyo!? Ang tatanga ninyo mga walang kwenta!"

Sunod sunod na putok ng baril ang pinakawalan ko. Talagang ginagalit moko Ivory, hindi ko hahayaang maging masaya ka. Hanggat nabubuhay ako sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya!

I clench my fist and hold my gun tightly. Hindi pa ako tapos, uubusin ko kayong lahat. Iisa isahin ko lahat ng mahal mo sa buhay, I grinned when an idea pop up in my mind. I can't wait to see you crying *smirk*

Ivory POV...

Maaga akong nag ayos at hinanda ang sarili ko, lagi din akong may bitbit na baril sa bag ko in case na may hindi magandang mangyari na naman. Paglabas ko sa pinto ay agad na sumalubong ang mga bulaklak sa mukha ko kaya't napakunot agad ang noo ko.

"Good morning hon!" nakangiting salubong sakin ni Clinton. I rolled my eyes at nilagpasan lang siya, ito ba yung sinasabi niyang babawi siya? Ang mambwisit sa umaga tsk!

"Hey let's go, I prepared something for you!" sabi nito sabay hawak sa kamay ko. Agad kong binawi ito at tinitigan siya ng malamig, hindi ako magpapadala sa simpleng galawan niyang ito.

"I'm busy" maikling sagot ko at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kotse ko.

"Ihahatid nalang kita saan ka ba pupunta?" iritadong humarap ako sakanya, tignan ko lang kung hanggang saan ang pasensya nito. I know him a lot, he's trying his best not to be mad, knowing him maikli lang ang pasensya niya pagdating sa ganito. Ayaw na ayaw niyang hindi siya sinusunod.

"Just leave me alone" walang emosyong sagot ko sa kanya.

"Ihahatid na kita" pagpupumilit nito kaya no choice ako kundi gawin ito.

I dialed Tan's number, I need a back up ayokong bumigay sa ginagawa niya.

"Hello Fel? What's wrong?" sagot nito sa kabilang linya. Halatang bagong gising lang siya kaya napangiti ako.

"Tan? Will you please pick me here? Magpapahatid sana ako" nakangiting tanong ko dito.

"Okay I'm on my way" sabi nito na halatang nagmamadali.

Tinignan ko si Clint na kunot ang noo na nakatitig sakin ngayon.

"Papunta na ang sundo ko" nginisihan ko ito bago tinalikuran.

"Sasama ako" napahinto ako at tumingin sa kanya ng hindi makapaniwala.

"Are you nuts?" wala sa sariling tanong ko.

"No, I'm your husband" nag iwas ako ng tingin dahil sa sinagot niya.

Hinayaan ko nalang siya at tahimik na naghintay kay Tan. Ilang minuto pa lang nakita ko na ang kotse niya papunta sa pwesto ko. Kumaway ako dito habang nakangiti ng malawak, napansin ko namang bagot na nakasimangot si Clint.
Bumaba naman ng sasakyan si Tan at lumapit sakin sabay halik sa pisngi ko.

"Nagbreakfast kana ba?" tanong nito sa akin na ikina iling ko.

"C'mon let's eat first" tumango ako at inalalayan naman ako nito pasakay sa kotse niya. Agad namang sumunod si Clint at pumasok sa back seat, parehas kaming napahinto ni Tan at nagtatakang tumingin sakanya.

"Dude mukhang nasa maling sasakyan ka" Tan said na binalewala niya lang.

"My wife is here, so I must be here too" tinignan ako ni Tan na parang nagtatanong.

I shrug my shoulders at iniwas na ang tingin kay Clint. He's really determine to follow me? Di ko alam na kaya niya palang kapalan ang mukha niya para lang may mapatunayan.

VENGEFUL SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon