Ivory POV...
"Life isn't easy, everything that happening in your life has a purpose."
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at napatingin sa paligid.
Shit!
Napalingon ako sa mga kasama ko na parang mahimbing na natutulog.
"Clint" niyugyog ko ang balikat nito habang bahagyang tinatapik. Gumalaw naman ito at dahan dahang umupo.
"W-what happened?" di ko pinansin ang tanong niya at pumunta sa pwesto ni Zekle.
"Hey Zeke! Wake up" pagyugyog ko dito. Napahawak naman ito sa ulo niya habang naka awang ang bibig.
"Ano yan may hang over ka?" pagtatanong ko sa kanya. Sumimangot naman ito at inilibot ang paningin sa paligid.
Lumapit naman ako sa pinto para subukang buksan ito.
"We're traped" banas na sabi ko.
"Let me" Clint offered kaya't tumabi ako ng bahagya palayo sa pinto.
Malakas niya namang sinipa ito dahilan para masira ang padlock.
"Thank God! Tara na at baka ano na ginawa nila sa Kelly ko!" nagmamadaling sabi ni Zekle. Mabuti nalang at may nakapark na sasakyan paglabas namin.
Sabay sabay kaming sumakay sa kotse at mabilis na pinaandar ito.
Clint on the passenger seat, while I sit beside him and Zekle on the backseat...
"Wait saan natin sila hahanapin?" inilabas ko ang maliit na device at pinakita kay Zekle.
"I put this earlier sa kotse ni lolo. Bago tayo bumaba ay iniwan ko itong nakadikit sa upuan. I know na may binabalak siya, I based on it sa galaw niya" napansin ko ang bahagyang pagngiti nito habang nakatingin ng deretcho sa kalsada.
"40 minutes away bago tayo makarating doon"
Habang nasa kotse ay inilabas ko ang mga gamit na nasa bag ko.
"Ibang klase! Para ka talagang girls scout na laging handa" umiling nalang ako sa kakulitan nito. Alam kong nag aalala talaga siya sa best friend ko ayaw niya lang ipahalata. Napatingin ako sa katabi ko at seryoso lang itong nakatitig sa daan habang nagdadrive.
I hold his right hand dahilan para mapalingon siya sakin. Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng hawak niya kaya't napabuntong hininga na ako. Alam kong hindi naging maganda ang samahan namin ni Clint. Ngunit sa tagal din ng pagsasama namin, kabisado ko na ang bawat galaw niya. Kahit ayaw niyang ipakita ay nakikita kong nag aalala siya kay lolo. Alam kong mahal niya ang lolo kahit pa minsan ay hindi niya ito ginagalang. I remained silent while holding his hand, tumahimik na din si Zekle sa likod at halatang intense na din ang loko. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating namin doon. It'll not be easy, but I'm hoping...walang mapahamak.
Tahimik ang buong byahe. No one dares to speak, para bang nagkakaintindihan na kami sa bawat tingin namin. Matapos ang ilang minutong byahe ay nakarating na din kami. Napansin namin na sa labas palang ay madami ng bantay.
"Paano tayo makakapasok dyan?"
Pinagmasdan ko ang buong paligid at puro armado ng mga kalalakihan ang nakapalibot dito. May nakita kaming isang sasakyan at alam kong kay lolo Jade iyon.
"I'll go with him" agad na pinigilan ko si Clint sa balak niyang paglabas sa sasakyan.
"No. Don't move too fast" I hissed. This ain't good. Hindi kami pwedeng magpadalos dalos sa mga galaw namin.
BINABASA MO ANG
VENGEFUL SOULS
RomanceAre you ready to face the reality? Handa kana bang mabugbog at ibasura ng taong pinakasalan mo? Kaya mo bang balewalain ang mga suntok, tadyak at sampal nito manatili lamang siya sa tabi mo? Kaya mo bang tapusin ang pagkakamaling sinimulan mo? Ivor...