CHAPTER 9

4.3K 61 0
                                    

Someone's POV...

"Mom, Dad. Where are you going?" pagtatanong ng isang bata dahil nakita niya ang mga magulang nito na nag aayos ng mga damit nila, naisip agad niya na aalis ang mga ito ng hindi man lang siya kasama.

Nagkatinginan muna ang mga magulang nito bago sumagot, naramdaman agad ng bata na may tinatago sila sa kanya.

"Anak makinig ka, may importante kasi kaming pupuntahan ng mommy mo. Para sa mga old lang iyon kaya hindi ka namin pwedeng isama" pagpapaliwanag ng daddy nito sa kanya.

"Basta always remember na mahal ka namin okay? Huwag na huwag kang magbabago anak ah? Kahit san man kami pumunta lagi ka naming maaalala at lagi ka lang nandito oh *turo sa heart* hinding hindi ka namin makakalimutan" nakangiting sabi ng mommy niya bago ito niyakap. Pero napansin ng bata na parang may kakaiba sa mga ngiti nito, tila ba parang may bahid ng lungkot.

"Opo, lagi din po kayong nandito sa heart ko. Basta po promise niyo na pagbalik niyo pupunta tayo ng EK (Enchanted Kingdom)" masayang turan nito sa mga magulang niya.

"Sorry Clint"

Hindi nito naintindihan kung bakit humingi ng sorry sa kanya ang mommy niya, marahil siguro ay hindi nila ito pwedeng isama sa pag alis nila.

...

Ilang araw narin ang lumipas ng umalis ang mommy at daddy nito, pero mag isang linggo na ay hanggang ngayon ay wala pa rin sila.

Nanatili lang ang bata sa kanyang kwarto at napag isipan na manood na lamang ng favorite niyang cartoon movie.

"Clint nandito na ang mommy at daddy mo!" bigla itong napatayo ng marinig ang sinabi ng yaya nito galing sa labas ng kanyang kwarto.

Masaya at nagmamadali itong bumaba sa hagdan upang salubungin sila, ngunit nagulat ito ng bigla nalang siyang may narinig na putok dahilan para mahinto siya sa pagtakbo.

"Ano kaya yon?"  tanong nito sa sarili, nagtaka ito kaya nagpatuloy siya sa pagbaba. Sa isip nito ay baka may mga dalang lobo o laruan ang mommy at daddy niya.

"Mommy!" pagtawag nito sa mommy niya ng makita itong duguan habang may hawak na baril!

"Clint dapa!" sigaw nito bago mabilis na lumapit sa kanya.

"M-mommy ano pong nangyayari? Bakit may hawak po kayong baril? Laruan po ba yan para sakin?" inosenteng tanong ng bata.

"Sorry anak, ipikit mo lang ang mga mata mo kahit anong mangyari okay?"

"O-okay po" nalilito man ay sumunod na rin ito sa mommy niya.

"Look who's here" Isang hindi familiar na boses ng lalaki ang nagsalita mula sa pintuan ng bahay nila, nagtataka man ay nanatili lang itong nakapikit gaya ng sinabi ng mommy niya.

"Tigilan mo na to please! Hindi ikaw yan e. Hindi ikaw ang kaibigan namin, mabait ka kaya tigilan mo na to" nagmamakaawang sabi ng mommy nito.

Walang kaalam alam ang bata sa nangyayari sa paligid niya, ngunit sa murang edad at kaisipan nito ay alam niyang may mali sa mga naririnig niya. 

"Hahaha mabait? Are you kidding me? Pinilit ko lang makisama sa inyo dahil alam kong mayayaman kayo! Alam kong marami akong pera na makukuha sa inyo kaya nakipagkaibigan ako!"

"Pero bakit pati kay Scarlet nakipagkaibigan ka? Hindi naman siya mayaman ah! Kaya alam kong nagsisinungaling ka!" sigaw ng mommy nito, nagulat ang bata dahil ngayon niya lang itong narinig sumigaw.

VENGEFUL SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon