Chapter 45

2.2K 35 5
                                    

"Paano natin makikilala ang mastermind nito?"

"Ayon sa sinabi ng mga lalaking nahuli namin. May nag utos sa kanila para patayin si Queen"

"Sino naman?"

"Sebastian Crimson" napatingin kaming lahat kay Clint na seryosong nakatitig kay Crimson.

"T-teka! Wala akong kinalaman dito at hindi ko kilala yang Sebastian na yan" depensa agad ni Van.

"He's right. Matagal na kaming magkakasama kaya imposibleng traydor si Vanish" dagdag ni Hazel.

Magkakasama kami ngayon dito sa hideout. Sumama na din sina Kelly and Zekle while Tan's refused to be with us. We are trying to figure out kung sino si Sebastian Crimson, I believe with Van. Marahil nagkataon lang na magka apelyido sila, o baka maling pangalan ang ibinigay.

"Baka naman hindi talaga Sebastian Crimson ang totoong pangalan niya?" napalingon naman lahat kay Isha.

"That's what I'm thinking" sagot ko dito kaya't nalipat naman ang tingin nila sakin.

"Teka teka naguguluhan ako eh. Paanong hindi Sebastian Crimson ang pangalan niya eh diba yun ang sabi ng mga goons?" Kelly's exclaimed.

"We don't know. Tingin ko inutusan sila na ibahin ang pangalan"

"By the way may nakita kaming maliit na bilog na nasa damit nila" inilabas ni Levy ang maliliit na bilog na hawak niya. Kung titignan mo ito ay para lang ordinaryong mga bato. Pero kung susuriin mabuti ay may kakaiba dito.

"It's so suspecting so I checked it at nalaman kong hindi lang basta bato ang mga yan. Isa yang tracking device at sa loob niyan ay may maliit na camera na malabo mong mapansin" pagpapaliwanag nito. Namangha naman si Kelly dahil sa mga nalalaman niya, alam kong hindi siya sanay sa mga ganito. Pero nagpumilit siyang sumama para tumulong samin.

"Kung tracking device yan ibig sabihin pwede nila tayong masundan dito?" pagtatanong ni Kelly kaya napangisi ako at napatingin kay Levy.

"No. I deactivated it bago pa nila ako makita" he answered.

Expected.

"How bout Claire? Baka pwede tayong makakuha ng impormasyon sa kanya" napaisip ako sa sinabi ni Zekle. He's right, mas mapapadali ang lahat kung mahuhuli namin siya.

"No. We can't do that" napalingon ako kay Clint dahil sa sinabi nito. Why? Ayaw niya bang masaktan si Claire? Napaiwas ako ng tingin habang hinihintay ang sagot niya.

"Bakit hindi? Si Claire ang bumaril kay Ivory Clint! Are you insane? Do you still love her?" natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Kelly. Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko, umaasa ako na sasabihin niyang mali si Kelly.

"No. I don't love her and I didn't love her" he answered.

Lumingon ako dito at nakatingin na pala ito sakin. I looked at his eyes and he assured me na totoo lahat ng sinasabi niya. He didn't love her? Eh ano yung mga panahon na magkasama sila? Ginamit niya lang ba si Claire?

"You didn't love her? Nagpapatawa ka ba? Wala tayo sa comedy show Clinton para sabihin mo yan" naainis na sabi ni Kelly sa kanya. That's my best friend! Parehas talaga kami ng utak minsan.

"I'm telling the truth. I just used her to avoid Ivory in my life. I used her to protect myself. And that's the biggest mistakes I did in my life" natahimik naman sila habang nakamasid lang samin. Parang bigla din akong napipi dahil sa mga sinabi niya. I see the truthfulness on his eyes. So it means, ginamit lang nila ang isa't isa sa magkaibang paraan.

"Then what do you mean na hindi siya pwedeng hulihin?" Van's asked na bumasag sa katahimikan.

"Tingin niyo ba mahuhuli natin siya ng ganon kadali? I'm sure someone's watching her. So let's do hitting the two birds in one stone" lahat ay seryosong nakatingin sa kanya at ganon din ako. Mukhang alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.

VENGEFUL SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon